1st time mom
#firstbaby ano po ba ang next dose sa newborn? 1st dose nya po ay Ung BCG . Ano po ba next na dose para sknya 10days palang po si baby today. Sana po may makasagot naka limutan ko po kasi itanong sa pedia.nung last na punta namin.
if may baby book po na naibigay si pedia sainyo, usually may nakalagay po dun sa bandang likod nung mga vaccines na need ni baby and kung kailan yung suggested na weeks/months na kailangan nya tong itake
Hello mommy, pwede kayo humingi sa barangay health Centre nio ng vaccine card, usually po penta, rota ang mga ibibigay. Plus libre po sa barangay yun. 😊
Penta, OPV at PCV after 1 month and a half old. Coordinate ka lang mommy sa RHU niyo at libre lahat ng bakuna doon. Stay safe and healthy.
sa HEPA din sis kase sa baby pagkaanak tinurok sa kanya HEPA at bcg Tas Meron pang isa.try mo sa center libre lang ☺️☺️
Isang dose lang naman po talaga ang bcg..next na vaccine nyan sa ika 6weeks nya,penta/pcv/opv ibibigay..
prepare kana paracetamol kasi lalagnatin siya sa isang bakuna.. sa bunganga patak ung hepa at dalawang bakuna tig isang hita
yung baby ko tapos na sa bcg at hepa b, ang sinabi nang pedia na next na vaccine niya ay dpt polio at hib.
6 weeks po mommy. Usually after a week ipanganak, pinapabalik ni pedia. Di pa po ba kayo pinapabalik?
Kailan po kayo naka sched bumalik dapat? Call na po kayo sa pedia.
2 months na po yung next na nakalagay sa baby book. 6 in 1 at yung para sa rota virus.
Lagpas ka na para sa susunod na vaccine mommy. Pumunta ka na sa pedia mo.
Basta bumalik ka sa susunod na schedule ni baby.
may Hepa B po dpt na ksama ung BCG pag newborn.
mommy ni Mazikeen