Im worried, 6 weeks and 4 days na akong preggy and wala pa daw heartbeat si Baby 😢😭ano pede ggwin?
Wait ka po hanggang 12 weeks. There cases po kasi na 12 weeks and up bago ma detect yung heartbeat ni baby. Wag mawalan ng pag-asa momsh. Much better din po if mag transvaginal ultrasound po kayo.
Ako 7 weeks pero wala pa heartbeat si bby. Pero nung pagbalik ko 13 weeks narinig ko na first hb nya. medyo natagalan lang sa paghanap ng hb nya kase tago. Wait mo lang din 🤗
Pray ka lang momsh at same tayo ng weeks at date pero nadetect kagad hb ni baby may past kasi ako dati,so ngayon ok na at iingatan na ng sobra,kaya pray ka lang momsh
Per my OB hindi pare-pareha ang fetus. Some meron early as 5weeks, some delay. Sa experience ko 12weeks na wala pa, pero eto 7mos old na sha. Thanks sa prayers talaga.
d ka po pinapabalik mamsh follow up mo after 2weeks .. 2nd option ka po mam sa ibang OB ,wag po mawalan ng pag asa mamsh .. pray ka lang po🙏🙏
mag pacheck up ka ulit sa ibang Clinic para makita kung totoo... Or baka kasi kaya wala pang madetect na Heartbeat kasi sobrang aga pa🙂
wait kalang mommy. papabalikin ka ni Ob after 2 weeks. minsan kasi sa 12th week na nakikita at naririnig ang heartbeat ni baby.
pag no heartbeat, abortion is the remedy na ggwin ni dok.. kasi hindi na develop ang embryo..
Sa lying in lang ako nagpapacheck, 17weeks na nun dun palang nakapa heartbeat ni baby.
Wait nyo lang po. ako po 12weeks kopo bago marinig hb ng baby ko