every night struggle
Hi, first time mom here ? normal lang po ba hirap mag sleep lalo na pag 3rd trimester na? Like pabaling baling ka sa higaan kasi di ka kumportable sa pwesto mo tpos maya't maya ka nagigising? 2 vitamins pa iniinum ko every night pra daw sa sleep din sabi ni OB ? nag pa BP ako nung isang araw 90/60 . #29weekspreggy
relate momsh. until now i am wide awake. 37weeks 1day. hahahah. mahirap lalo pag malikot c baby s tummy mo. di din mapakali. manang mana sa daddy nyang malikot din matulog kaya lalo ako di makatulog. hanap ka lang relax positon momsh. ako if di makasleep ng gabi. il sleep ng morning para mabawi ko ung hindi ko naitulog. happy naman kasi supportive naman c hubby s ganung routine ko. sya ang all around ngayon. hehehe. kasi tulog ako sa umaga. pwede na magduty sa callcenter 😂😂😂 dapat may call center for preggy momsh na di makatulog sa gabi. hahaha para sulit ang puyat. 😁😁😁
Đọc thêm36weeks preggy here. yes mahirap makatulog lalo kapag 3rd trimester na. Advisable to sleep on the left side. Lagyan ng unan sa may tummy at kalsuhan mo din unan balakang mo para di masakit pagkagising mo. Nagigising ako kasi nawawala na sa pusisyon paghiga ko kaya ayusin nlng ulit then back to sleep nlng ulit...kapag nangawit at masakit na tyan ko, tihaya nlng ulit. Tatlong sleeping position kasi ginagawa ko, nakaupo, tihaya at left side. pinagsasalit salit ko para makumpleto lang pagtulog.
Đọc thêmFeels. 31weeks here. Hirap ako madapuan ng antok, napaparanoid ako kakaisip kapag manganganak na ko. Minsan naman sa sobrang tuwa kakatingin sa mga gamit ni baby. May times din na kapag inantok na ko biglang sisipa si baby ang sakit. Hindi ko malaman kung ano dapat posisyon ko matulog. Kinakausap ko na nga lang siya tapos kinikiliti kaso wala e. Pero kapag naririnig niya papa niya, aalis siya agad. Ang bilis niya kumalma 😅 Damang dama na siya sa loob e. Pero ang sarap sa feeling 💕
Đọc thêmNormal lang po pero try mo matulog ng ayos for baby. Tagilid ka sa left side nakaharap para mas okay daloy ng oxygen at dugo. Lagyan mo din ng unan ilalim ng tyan pag nakatagilid para hindi mabigat para sa buto mo sa likod. Tapos bend ang knees at lagyan din ng unan sa pag-itan ng tuhod. May special pillow para sa mga buntis kung gusto mo bumili. Pero throw pillows lang ginamit ko since wala na rin mapaglagyan. 😂
Đọc thêm31 weeks na po akk at nahihirapan din ako matulog.. lagi pa ako naiihi kaya pag nakahanap ako ng magandang position at nakukuha ko na tulog ko, mamaya maya naiihi naman ako.. huhu.. madalas na lang ginagawa ko nattulog na nakaupo para pag nagising ako saka lang ako matutulog na nakahiga
Hello. 3rd trimester na din ako I don't know if normal nga yan pero hirap din ako matulog madalas kasi di ako makahanap ng kumportableng pwesto para di sumakit or mangalay yung likod ko tas pagnakahanap naman ako nagcacramps naman both legs ko.
Lagay k unan s paanan mo sis dpt elevated lagi.goodluck
yes po hirap na din ako, gustong gusto ko tumihaya pero mas advisable daw kasi ang nakahiga sa left side kaya dun ako nakabaling lagi. nakakangawit tapos pag umaga, pagbabangon para pumasok sa work pahirapan din haha kasi masakit sa singit
Tihaya at left side po ang posisyon ko..kasi pag sa right masakit,parang naiipit ko sya
yes momsh.... ganyan talaga yan. feel mo walang position na tama, kung naka tagilid mahirap huminga, nakatihaya ganun din, kahit semi nakaupo mahirap huminga kaya tuloy mahirap matulog. pero laban lang po... kaya yan ☺️
Strugglw is real talaga momsh sa positioning ng pagtulog. Ako hirap din matulog hanggang sa nanganak ako. Gusto ko nga, lahat ng unan, tinatandayan ko e. Nangyayari tuloy, isa lang unan ni hubby, ung apat, sakin. Hahaha
yes po mahirap kasi makahanap ng komportableng position tapos masaklap kapag nakapwesto ka na, makakaramdam ka na kelangan mo magwiwi! 😁 mas lalo pa yan sis pag mas malaki na tyan mo. hehe.