Share Your LABOR Stories Mga Mamsh?
First time mom here! Gusto ko lang malaman ibat ibang stories nyo momies. Please share babasahin ko yan ?

December 25 at 10pm iba na pakiramdam ko. Pero pumunta pa din kami ng family ko sa perya (para matagtag na din). Nakauwi kami ng 11:00pm. Mula nun maya't maya na yung sakit na nararamdaman ko kaya di rin ako nakatulog ng maayos. Hanggang december 26, 7am pasakit na ng pasakit and naririnig ng mama ko yung ungol ko. Kaya pinaligo na ko then dumeretso na kami ng hospital.. Pagdating dun pinahiga na ako and pag ie sakin 4cm na. Kaya dineretso na ko sa labor room. Mula 8:30am hanggang 2pm 4cm pa din ako. Pinasilip lang nila isang beses asawa ko pagkatapos pinalabas ulit. Pinaire lang nila ako ng pinaire every 10mins. Then pinaputok nila panubigan ko dun ko lng naramdaman yung agos na kala mo isang balde nilabas mong tubig 😂 tinurukan din ako ng pampahilab. Kaya mas lalong lumakas yung contraction na nararamdaman ko. Nung nag 8cm na pinasok na ko sa delivery room at todong ire na pinagawa sakin with matching dagan pa ng nurse sa tyan ko. Exactly 6:23pm lumabas ang aming prinsesa 😊 nakakapagod pero worth it yung sakit na naramdaman ko nung lumabas na yung baby namin. At nakaya ko sya inormal kahit pagod na pagod na ko at wala ganong tulog 😊
Đọc thêm

Queen bee of 1 little princess and 1 baby tummy