Kelan po best advice na magpa check up sa ob? First try ng pt positive and delayed menstruation na.
First Prenatal Check Up
Kung positive po sa PT pacheck up na po kayo ASAP pra ma-assess ng OB agad and pra makapag prescribe po ang OB ng vitamins which if very important po lalo na sa 1st trimester dahil jan nagsisimula mabuo ang organs ni baby. And always remember na pinakamaselan ang 1st trimester of pregnancy. Ingat po kayo palagi! God bless our pregnancy journey.❤️🙏🏻
Đọc thêmAs soon as possible mi. Para maresetahan agad ng vitamins and pampakapit. Some OBs pinapa utz agad nila lalo if may history ng miscarriage or if may mga sakit ka. If mukhang okay naman ang lahat and gusto makatipid, around 8 wks na ang utz. Better if maaga tho. Pero important na maga consult na agad regardless if magpapa utz agad or not.
Đọc thêmako po the moment na nag positive sa pt nag pacheck up na po ako, 5 weeks pregnant po ako that time. then si Ob po nag schedule ng transV on my 7th week. nagbigay na din po agad sya ng vitamins and duphaston nung 1st check up ko.
3 days delayed aq nagpt faint line. 6 days nag pa check up na ko. niresetahn aq folic, 5 weeks preggy na dw. 8 weeks pinabalik aq for transv. sa biyaya ng Diyos 26 weeks preggy na me.
try po ninyo anytime , basta sabihin nyo lang kelan yung huling regla nyo .. ako kase mag 2 month na nung nakapagpacheck up .. tinignan lang nila kelan ako huling niregla
sa araw mismo na malaman mong positive ka. hindi mo malalaman kung ilang weeks kang delayed para sabihin ng iba jan na 10weeks ang best para mag pa check up.
Hii, mi as early as possible po basta po malaman nyo na buntis kayo punta na agad kayo sa OB para maaga pa lang po mabigyan na kayo ng mga vitamins
Asap mi. Paglaanan mo na ng oras, the next day kung posible nga. Napakimportante magtake ng vitamins para sa brain development ni baby.
Best time 6weeks, para e check kung may heartbeat ba or wala,kung dipa masyado clear para maresetahan ka ng pampakapit.
As soon as mag positive ang PT magpa check up na agad sa OB para mabigyan ka ng pampakapit saka mga supplements.