Unforgettable pain, yet unforgettable blessing 😇
My first born baby, Hayla 💕 Eed April 20,2021 Dob April 6,2021 5:02pm I just wanna share my experience as ftm ☺️ April 5 from 11pm onwards till April 6 in the morning nakaramdam ako ng cramping at paninigas ng tiyan. At 6am napansin ko na may water leak ako kaunti, nag decide ako pumunta ng lying in at 8am pag ie sakin 1cm may water leaking na ngang nagaganap. My ob asked me na mag punta na sa hospital kasi 1cm palang at nag leak na ang water. from 8am na pag ie sakin till 11am 1cm pdin. My ob said baka ma cs ako so nag try siya na inject me ng pampahilab to try na mainormal at 12pm, thank God kasi di ganon kalakas ang tagas ng water leak. #1stimemom #firstbaby 2.30 umakyat lang sa 2cm. Prayer is powerful, napakabuti ng Lord kasi from 2.30pm na 2cm naging fully dilated siya in 3.30pm. Imagine in 1 hr, nag open ang cervix ko. Di ko makalimutan yung sakin that time, sobra2 but then di ako naiyak kasi yung pain ang naiisip ko. agad2 akong dinala sa or. Dun na yung hirap ko kasi di ako marunong umire 😅 from 3.30pm to 5pm nakabungad na si baby at ire nako ng ire. 5:02 baby is out. Thank God! after non ng madinig ko iyak niya at inilabas na siya, nakatulog nako. The best ever gift I had was this blessing I am holding now. One more experience mommies. Hindi ako naiyak sa panganganak, naiyak ako sa another labor after 4days 😅 hirap talaga ako umire. Since April 9, tinitibi nako. Share ko lang. Ang sakit sakit ng pwet ko sobra, hanggang ngayon, ni hindi ako makaupo ng ayos. Kaya kayo mga mommies be prepared din sa mga panahon ng pag dumi, sabe ko tuloy sa asawa ko ayaw ko na ulit manganak 😂 Anyway, sa lahat ng manganganak always take time to pray and pray and pray. God is good, hindi niya tayo pababayaan. Hoping for all mommies a healthy and safe delivery. God bless everyone! 💕🙏😇
First time Mom