Sharwin Kurt Alejandro Gavino
FINALLYYYY WE'RE HOMEEEE 😍😍 July 27, 2021 NSD Baby Boy 2.6kls Afterall , You always prove to me na You'll always there and All is well lalo na kapag strong yung faith sayo ☝️☝️ June 20 , nag On-Labor nako dahil nag open cervix na pala ako (1CM). We decided narin na magstop nako ng work that time dahil anytime pede ka lumusot sa pwerta ni mama kaya mas pinili namin mag ingat. A week After, total bed rest nako I prepared your bags and mine kase sinipag ako pero nilabasan ako ng Dugo kaya pumunta ulit kami kay Dok'Ritchie para magpatingin , Yun pala 2CM nako. Continues strict bedrest paren ako, at niresetahan naren ako nq pampakapit para sa kaligtasan mo dahil di kapa pwedenq lumabas. The next day , nagkaconstipation ako more on papaya. Until it poop out na dahilan kaya naging 3CM si mama 😔 At dahil tumaas ng tumaas yung CM ko , minabuti na every week I'll need to go to Dok'Ritchie na para macheck ka. July 25, 4CM nako at sad to say paq Bp saken highblood ako 😓 kaya niresetahan ako pampababa ng dugo at umuwi . Pero Kinabukasan naq Start na Lahat ! 5:30am Ng nagising ako nagleak sa pajama ko ung tuloy tuloy na agos nq panubigan ko kaya ginising ko sila mama at pumunta kay Dok'Ritchie .. July 26, 2021 nag tuloy tuloy na yung paglabas mo sa pwerta ko , Maghapon ako minonitor nila Dok Ritchie Oblepias at mga staff's nya na sobranq accomodating and nakaalalay everytime lalo na si ate jona 😊 bp don bp dito ! Inom pineapple , inom gamot! At bumaba ng bumaba yung bp ko pero ng nag lalabor nako at tinutulunqan nila ako (Doing all their best) tumaas na naman ang bp ko nag 190 kaya No Choice nirefer ako ni Dok sa Tondo Hosp. Hndi ako kinakabahan , natatakot or what ? Diko talaga alam kung bakit. 10pm Pagdating sa Tondo , tanonq dito tanong dyan ! Ie dito , Ie dyan ! Pinaligo nila ako 😣 shocks sobranq hirap. Dinala nako sa Labor Room at dito na nagstart unq Pinakamalalang stage. Nagsaksak sila ng mainit na likido sa dextrose ko (magnesium kemerot daw para sa highblood) . For make the story short nung medyo bumaba na ung Bp ko mga 5 ng madaling araw tinurukan na ko ng pampahilab. Tapos maya maya dinala nako sa Delivery Room Nakatatlong Ire lanq ako at nawalan na ko ng malay nq matapos ko tanungin si dok kung lumabas na anak ko and she said "yes" then everythings went dark ! Bumalik yung kamalayan ko nung patapos na ko tahiin while his on my chest and every tusok ng karayom kahit masakit you dont care kase masaya kanq kapiling mo na sya 😍😍 4 days in the ward of Tondo Hospital gave me enough time para magpakananay sa anak ko na walanq tulong galing sa iba ! Kateter na nagpahirap saken ng sobra kasabay ng tahi na sobranq kirot tapos bawal bantay ni dalaw due to this pandemic , Lahat ng kilos at iyak ng anak mo wala kang aasahan kundi sarili mo . Walang ibang gagalaw para asikasuhin sarili mo at baby mo , kahit sobrang sakit ng nararamdaman mo? You dont have a choice kundi gumalaw. And I witnessed those hardships na meron ang isang babae , Normal delivery man o Cesarean may tahi pareho 😓 parehong masakit pero mas masakit cesarean😂 So every girls deserve a faithful , lovable ang loyal one man for every sacrifices lalo na sa kanilanq bundle of joy 💜💜 Just wanna thankyou sa Mama ko Alejandro Netnet na di ako pinabayaan at iniwan since day 1 😘 Lahat ng hirap at sakripisyo habang nandun ako? Lahat yun buong buhay ko tatanawin na utang na loob ma , mahal na mahal kita 💕 Sa Asawa ko Arwhin Onivag , kay ate Richelle Valerio at sa lahat ng taong nag aupdate kung kamusta na ko ? Kung ano ng nangyare . Maraming Salamat sainyo 💕 Diagnosis: Highblood cause of Gestational Hypertension na kung di naagapan it results to Preclampsia and cesarian 😅😆 Just Sharinq.. Thanks for reading 😊 #PreggyNoMoreeeee