Baby blues
feeling ko po mababaliw na ko. everyday overstimulated ako. 10 days post partum, delivered via cs. Im a first-time mom and wife. Para kong baliw na umiiyak ngayon kasi start na ng work ng asawa ko, kami lang dalawa ni baby. Makirot tahi, walang tulog, laging pagod, sabayan pa ng gang ngayon may mens pa rin kaya iritable. halos every night ako umiiyak kasi namimiss ko yung dati, namimiss ko yung asawa ko. ang hirap po mag-adjust sobra. sa twing tatanungin ako if ano problema or kung ok lang ba ko, nag-uunahan na mga luha ko na pumatak eh. hays.
Hãy là người đầu tiên trả lời