Crying Every night.

Feeling ko mali ang pag aalaga ko sa anak ko FTM ako at wala akong parents na malapitan to guide me at yung inlaws ko sa hubby ko is mga senior na mahihina na. Kaya kaming dalawa lang ng asawa ko ang nag aalaga sakanya kagabi habang nag papa dede ako nabulunan sya na to the point na nakita ko anak ko na nahirapan huminga nag perform agad ako nung napanood ko sa YT pag na chochoke ang baby at thank god umokay naman sya pero naiyak talaga ako dahil feeling ko kasalanan ko bat ganun kasi pagod na pagod ako naka upo ako pinapadede sya nakapikit ako saglit kaya nagising ako na chochoke na sya. Yung hubby ko sya nag aalaga sakin like wala akong ibang ginagawa bukod sa pag aalaga kay baby at pag linis ng katawan ko at kakain nalang ako pero super pagod na pagod po talaga ako hindi ko alam paano gawin yung sinasabi nilang sabayan matulog si baby e pag natutulog sya panay check ako kung humihinga sya ng maayos ang ending di ako makatulog ng maayos . Mahirap pala pag walang magulang 🥹 sana kayanin ko ang stage na to ! Kasi ayaw ko mawala takot din akong maranasan ng anak ko nang walang nanay pag laki nya. ( feeling ko kasi nabibinat na ako, dahil nilalagnat ako 1 week na at spotting) #firsttimemom

 profile icon
Viết phản hồi
Hãy là người đầu tiên trả lời