Baby needs

Feeling Blessed kasi sa kabila ng pandemic na ito, nagagawa pa din naming maibigay ang mga pangangailangan ni Baby. Thankful ako kasi pinabinyagan na siya ng tatay, tas siya gumastos ng panghanda 😅😁 Nagkapera tuloy si baby ng wala kaming ginastos sa panghanda, instant 7k na agad. Kaya stock na agad ng diaper at wipes habang may pera pa 😂 almost 1,300 pesos lang yan mga mamsh, kasama na shipping fee. Nagbabalak din akong mag cloth diaper kasi sayang ang pera tsaka daming basura. Pero pag mga 4 o 5 months na si baby para mas okay maglaba 😂 Share ko lang mamsh. 2 months na si baby sa 27 at 6.1 kg na siya ngayon 😍😇 Mixfeed ako pero sobrang bihira lang ni baby dumede ng Bonna, pag umaalis lang ako o yung daddy niya ang bantay. Kaya tipid din kami sa gatas 😊 Lazada is the key na, maganda naman yung diaper at wipes kahit mumurahin 🤗🤑

Baby needs
1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Tapos ito pa yung tira ni baby na diaper na small 😇

Post reply image