Nakakalungkot talaga.
Expected namin is boy ulit si baby pero nakita sa ultrasound girl sya. 😞 Nakakalungkot lang kasi mas okay sana kung lalaki. Papano ba tlga nangyayari na lalaki ung magiging baby?#advicepls Updated response: Salamat sa mga replies ninyo. Naisip ko lang dn kasi ang hirap magpalaki ng girl na anak. Nakakatakot to think na napaka unfair ng mundo. Unlike sguro kasi pag lalaki less away at ung selosan di ganun katindi. Isa pa eh ung mga lalaking manloloko at papaiyakin ung anak ko. Ayoko lang dn sguro mangyari sa mga anak kong babae ung nangyari sakin. Kaya winiwish kong lalaki nalang sana. 😞 #angryreactyern PS: May kanya kanya tayong preference ung iba jan na masyadong G na G na namemersonal pa kala mo eh sila ang magpapalaki at gagastos sa mga anak ko. Ikaw cyst ang wag mag anak. Wag magreply kung di naintindihan ung context. Reading comprehension ay kailangan. 😉🤭 Kung mamemersonal kayo sure nyo na di kayo naka anonymous. Oki? 😉
normal lang naman sa atin mga mommy na mag wish kung ano gusto natin gender ng baby . at normal lang din malungkot kung hindi ito ang ineexpect natin . ako high school pa lng ako , bukambibig ko na baby BOY ang gusto ko , mas malapit kasi ako sa baby BOY , during my pregnancy sabi ko talaga BABY BOY to ! tapos lahat ng kakilala ko Baby Girl daw pati partner ko 😁 kaya medio nalulungkot din ako pag naiisip ko na baby girl , lagi ako nag pepray na sana lalaki , and tadaaaa , kasama ko na ang 2 months old BABY BOY ko ☺️ isa rin sa reason mii kung bakit baby Boy ang gusto ko dahil sa TAKOT , pag Girl kasi dami natin kinakatakutan , ramdam natin dahil babae tayo at ayaw natin maramdaman ng future anak natin yung naranasan natin . pag Boy kasi andun na yung Kaya nila sarili nila , PROTECTOR ng mga kapatid at syempre , may magpaparamdam sayo na ikaw ay isang REYNA 😁 sarap lang sa feeling one day sasabihan ka rin ng anak mo na MA ikaw lang yung PINAKAMAGANDANG BABAE sa BUONG MUNDO HAHAHA kahit ang totoo losyang na tayo at MAHAL NA MAHAL KA . valid yung nararamdaman mo mii , hayaan mo na lng yung ibang mga mommy siguro nadala lng sila sa emosyon nila ☺️ Congrats nga pala mii , gawa na lng kayo ulit mii , baka next baby boy na HEHEHE (kidding aside mii pampalamig lng ng sitwasyon medyo mainit init sa comment section eh 😁✌️)
Đọc thêmMomshie yun una anak ko gusto ko sana babae kasi maarte ako gusto ko din maarteng bata gaya ko hahaha😄 pinagpray ko yun kaso ang binigay sa amin ay boy.. Pagkasabi ng nag ultrasound na boy si baby.. Naerase agad iniisip ko na sana baby girl😍 bigla ako nainlove sa baby boy ko sa tyan.. At nung nagkaron ako 2nd baby hindi na ko nagdasal ng gender.. Ang pinagpray ko na Healthy si baby kahit ano pa gender niya.. 😊 At eto na nga 2 handsome babies ko napakaswerte namin ng hubby ko😍.. Goodluck momsh.. 😍 Boy or girl basta healthy si baby.. Gift yan sa atin.. Bigyan mo nalang agad ng kapatid si baby malay mo boy na ang next.. Anak lang ng anak😄 PS: yaan mo na mamersonal yung iba yaan mo naka Anonymous sila😊 ikaw naman momsh naka Anonymous ka din naman😂 free naman magcomment kahit kasing haba pa ng pinagsasabe ko ngayon.. Atleast binigyan ka nila ng time and effort.. 😂
Đọc thêmhahaha napadelete tuloy ako mamsh! hahaha! sorna. 🤣🤣🤣
ako po gusto ko talaga Ng girl Kasi gusto ung tipong may karamay ka na sa pag ootd mo , ipopony mo ung mga ganung bagay, Nung nagpaultrasound kami Ng bf ko sabay boy daw at first medyo sad pero mas inisip ko na aside dun mas dapat akong matuwa Kasi ung result is normal si baby, normal ung heartbeat nya , mas inisip ko ung positive side na makaraos kami ni baby na maipalabas ko sya Ng ligtas at malusog , may mga bagay po Tayo na gusto na nd natin nakakamit but always remember po na everything happens for a reason. kaya wag na po ma-sad momsh o feeling disappoint, nakadepende Naman din po yan sa kung panu nyo po ipaintindi sa anak nyo ung mga generations ngayon e, stay safe po satin momsh 🤗
Đọc thêmWe're also expecting a baby girl. Actually, out of excitement, nag-start na ako na bumili ng clothes for baby girl kahit next month ko pa malalaman 'yung gender. Ang cute kasi 'nung mga damit. Puro girls din kasi kami sa family kaya ayun 'yung pinanghahawakan ko. Sabi ng family ko, bili ako nang bili, pa'no 'pag baby boy? Sabi ko, ibebenta ko na lang ulit 'yung mga nabili kong pang-baby girl. Walang magbabago, sa happiness, sa excitement. Kasi favorite blessing ko si baby from God, lagi ko rin siya kinakausap na kahit anong gender niya, love na love ko siya. 💖 Let's be happy po, kasi sabi nga nila, nararamdaman ni baby kung anong nararamdaman natin. Stay safe po.
Đọc thêmAko before ultrasound. I was expecting another baby girl. Hehe. Panganay ko girl so gusto ko sana girl ulit para may bestfriend yung anak kong panganay kase di naman magkalayo edad nila. Hehe. Pero it turned out na bby boy yung magiging bby ko. Happy pden, kung di man sila maging bestfriend, sya nalang mag protect sa ate nya hihi. I find it cute, to you mommy, its okay to feel that way. Naiintindihan kita believe me, tsaka wala naman po masama if yun yung gusto mo. Pero don't be stressed ha, baka ma feel ni baby e. Ang Importante. Healthy si bby 👶🏼💓 Have a safe pregnancy mga ma! Stay positive to everyone, wag lang sa covid. Char HAHA 😘
Đọc thêmJust don't let your baby girl feel na di na sya mahal mii. Syempre we love our kids equally, wag nyo lang iparamdam kay bebe girl yung ganong feeling. Kung yun man po ang ikinababahala nyo. Paramdam nyo po sa kanila na. Magkaroon man sila ng kapatid girl or boy, pantay pantay yung live na ibibigay nyo sa kanila. Kung napagdaanan nyo po yung ganoong bullying sa family nyo before, might as well iwasan nyo na mangyari ulit yun. Prevention ba mii. Don't worry ah. Everything will be okay 🥰
Ako before ako mbuntis, gustong gusto ko sana girl magiging anak ko.meron na nga ako name kahit hnd pa nabubuo. Pero nubg time na nabuntis ako sa panganay ko we found out na boy sya. No disappointment kng ano man ang gender. Ang hiniling ko lang maging healthy ang anak ko.pero nung pinanganak ko sya sobra weak nya dahil napaaga labas nya dami complication kaya di rin nya kinaya.then 2nd pregnancy ko girl na bngay sakin ni lord at healthy naman. Kaya mommy ipray no nlng si baby na maging healthy. Wag ka na po madisappoint. Maybe my good reason kaya yan bngay sayo😊
Đọc thêmNaiintindihan kita sa way of thinking mo mi. Ganyan din ako dahil naexperience kong masalbahe ng iba. Nung nagkababy girl ako sobrang saya ko syempre anak natin yan eh hehe. Pinalaki ko ng maayos at sa healthy environment until she reached the age of 12 at may sumalbahe din sa kanya. Yes, ang hirap pala talaga kasi napakaunfair ng buhay. Pinipilit mong magkaron ng maayos na buhay pero kahit anong gawin mo may mga hayup talagang nagpapanggap na tao. Madali lang magsabi na ay ganito ganyan dapat. Pero kapag naexperience mo na baka kainin mo lahat ng sinabi mo sa iba.
Đọc thêmIba talaga mi kapag naexperience mo mismo, marami kang matutunan at marealize. Nakakalungkot pa naman ang justice system natin dito, hindi malaman kung kelan mo makukuha ang katarungan. Gagastos ka pa ng malaki. 15 years old na daughter ko ngayon and 3 years na ongoing ang kaso against her perpetrator.
sakin naman expect namin girl . kase boy na yung nauna. bale may tatlo akong anak sa una kong partner 2 girls at 1 boy. so eto na nga pangalawa kong partner panganay namin boy tapos sumunod expect namin girl para okay na daw sakanya enough na kase mahirap ang buhay 😅 para di na daw ako mahirapang magbuntis ulit. bale last week lang ako nagpaultrasound 36 weeks at now 37 weeks na ako yung result baby boy ulit . hahaha sabi ni Lip maski girl or boy tama na daw . basta malulusog mga bata .
Đọc thêmKame excited na kasi baby girl ang first anak namin. Yung daddy gusto ng girl kasi isspoiledin daw niya. After 14 years, nagkababaeng baby na ulit sa angkan naman. Puro lalaki kasi 😂 Well anyways mommy, I feel you. Di ako nalulungkot sa gender ng baby namin. Nakakadama ako ng takot kasi ayoko din maranasan ng anak ko yung mga naranasan ko pero positive padin kame kasi dalawa naman kayo ni husband magpapalaki sakanya kaya iguide natin sila ng tama at protektahan. Wag kana malungkot mommy.
Đọc thêmThank you sa kind words. ❤️ Sa amin kasi puro girls na. Tsaka kasi ung first baby ko is girl na. Then 2nd baby boy naman. tapos etong 3rd un nga girl daw. Gusto ko kasi ung panganay ko lang sana ung girl. Naranasan ko kasi before ung palaging nabubully na di na ko mahal kasi nagkaron ako ng kapatid na babae bunso pa. Tapos ako lagi ung echapwera. 😅 Sguro ayoko lang tlga mafeel ng panganay ko ung nafeel ko. Di ko magets bakit ang daming galit sa paglalabas ko ng sentiments. 😅🤦♀️
pasalamat nga kayo nagkaanak kayo ng walang ibang iniisip, I mean. di nyo pinoproblema na "baka may mali sa sarili ko o baka may problema sa health ko sa pangangatawan kaya di magkaanak agad" samantalang yung ibang di agad magkaanak na gustong gusto na magkababy di nila magawa tapos kayo pilian pa sa gender? di nyo naman kase agad masasabi yung gender ng magiging anak nyo habang gunagawa kayo nyan kaya sana bago nyo ginawa inisip nyo muna yang mga sinabi nyo or kinatatakutan nyo.
Đọc thêmedi thank you! 🤣🤣🤣 Happy? 😁😁😁