Me. I appreciate my mother-in-law so much. Until now 1 yr old na si baby sa kanila pa rin kami nakatira. She is the best. We never had any conflicts. Mas nagcconflict pa sila ng asawa ko. Pero kami wala. Sobrang bait. Maunawain. Hindi ako pinangungunahan sa mga decisions ko tungkol sa pagbubuntis ko at kahit sa pagiging ina ko sa apo niya. Hindi ako nagluluto sa bahay, siya gumagawa nyan pati pamamalengke and she is okay with it kasi daw may bata akong alaga. Nung nagkasakit si MIL may times na ako nagluto ng ulam, yung sister in law ko tumawag sa asawa ko nagsabi na pupunta siya sa bahay para ipagluto kami ng ulam tapos nung sinabi ng asawa ko na meron na dahil nagluto ako, agad nyang tanong ay nasan ang baby namin at sinong humawak nung ako ang nagluto. Kumbaga ba, they don't expect me to do it kasi may bata akong palaging tinututukan. Sabi pa na dapat siya na lang nag luto kasi kawawa yung baby namin kung hindi ko maalagaan (kahit saglit lang magluto hehe) pero si hubby naman ang nagbantay nun dahil wfh din siya. Kapag naghuhugas ako ng pinagkainan, minsan sasabihin pa niya, naasan ang baby, siya na daw maghuhugas ng plato puntahan ko na daw yung bata dahil baka magising, etc. Pag naglalaba ako at nakita nyang naka carrier at buhat si baby, kukunin niya tapos sasabihin kawawa naman daw ako kasi mabigat na yung bata, ako na lang humihindi kasi nahihiya ako ipabuhat sa kanya yung bata kasi matanda na siya. Ang haba. hahahaha. Pero ayun. I think if you know them and they have been good to you, madaming possibilities. In my case they are amazing. But one thing that I always remember -- hindi ako ang reyna ng tahanan. Si MIL pa rin. So hindi ako nag ooverstep dito. My hubby is the provider tho, my MIL respects him for that naman. So ayun. I think sa amin, yung respetuhan sa roles at pagkatao per se hindi nawawala talaga kaya peaceful ang buhay namin. :)
Mas maganda sa bahay nyo dun ka tumira po. Mas comfortable
Anonymous