Hi everyone. Justa question regarding breastfeeding. Ilang weeks po kayo after child birth bago naging okay ang pagpapadede? As in yung ok ang supply and comfortable si baby sa breastfeeding.
Our baby is now more than a week pero konti pa rin lumalabas na gatas, although we are doing our best to breastfeed kasi yun talaga gusto namin, kaso parang laging di sapat sa kanya ang gatas, umiiyak siya ng umiiyak kaya napipilitan kaming bigyan siya ng formula milk sa sobrang awa kay baby. Lalo na pag lumuluha na siya, pati kami lumuluha na rin.
We followed some of the suggestions we've read and researched, from paginom ng pinagkuluan ng malunggay at sa mismong pagkain nito, to hot compress, natalac food supplement, unli-latching kay baby, milo drink, increased water intake, massage and all pero konti pa rin po talaga.
Anyone experiencing the same?