38 weeks close cervix and no sign of labor
Hi everyone can i ask ano pa ba ang pwede kong gawin para manganak na or para ma open na cervix ko. Naglalakad every morning and afternoon, Exercise like squat, sex kay hubby, kumain ng pinya, kumain ng papaya, lahat yan nagawa ko na but still wala pa din. Worried kasi ako dahil 3.2kilo na si baby baka lalo pa syang lumaki sa tummy ko. Ang hirap din kasi mag diet hehe please need ko po ng advice💗
Wala po talaga mangyayari sa pagkain ng pinya o papaya. Medyo dagdagan mo pa kain ng mga yun, mas lalaki pa si baby 🤣 wala pong effect sa cervix un. Baby knows best, pag gusto nya na lumabas, lalabas ag lalabas sya. Walking helps, pero kung naglakad ka na wala pa din, wait ka lang. Insert ka din primrose, it can help din.
Đọc thêmPag mas lalo mo ini-excite ang sarili mo mas lalo tatagal yan. Pinapagod mo lang sarili mo sis,baby mo padin magdedecide kung kelan sya lalabas. Tsaka tigilan mo na pagkain ng papaya at pinya hahaha di yan nakakapag-open ng cervix🤣
mam walking and kegels exercise ka wag lng po madaliin may sariling time po si baby na lumabas ako minadali ko nauwi ako sa induce labor at sobrang sakit nun...walking daily lng po Mam.
last check up ko nung preggy ako 37 weeks ako nun. niresetahan nila ako ng primrose ba yun. nag take ako for 5 days lang after a week ng check up kong yun nanganak ako.
also 38 weeks, no signs of labor. 3.4 kg na si baby, sabi ko sa doc paanakin na ako. pinatake ako evening primrose ngayon, after 1 week daw kung wala pa rin induce na
Pina relax lang Ako ng OB ko mi kasi kusang lalabas SI baby pag gusto Niya.... pero Pinag diet nya lang Ako pra Mai normal ko sya..
gayahin nyo po yung mga yoga or exercises for pregnant sa YT. 2nd factor po, baka di pa po ready si baby mo lumabas.
38 weeks and 5 days still no sign of labor di na ako nag worry nasa bata pa rin naman kahit anong gawin ko haha
niresetahan po ako ng primrose ng OB ko 3x a day for 1 week after nun ng open na cervix ko
oral po mi
nakapagpalaki pa lalo ng bata ang SWEET FRUITS mam...at SWEET FOODS
Got a bun in the oven