ligo ni baby

Everyday nyo po ba pinapaliguan si baby? Naiinis ako sa MIL ko makita lang bumahing huwag daw paliguan kasi may sipon o sisipunin daw si baby. Minsan 3 days hndi npapaliguan si baby. Nung nagkaubo halos 1wk. napaliguan ko lang nung sinabi ko na dala na lang yun ng init ng katawan ubo nya. Sabi ng pedia di ba dapat araw-araw paliguan si baby. Matanda na kasi MIL ko.

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Not necessarily everyday. Pede ring punas punas lang in the first few months depende sa hinihingi ng pagkakataon. kapag active na sya kahit more than once mo sya paliguan in a day. Sudden change of temperature makaka apekto sa kanya... pede nga sipunin. Over protective though may wisdom din si MIL pero nasa sayo parin final decision para dika magkimkim ng sama ng loob. Ung ubo nya pedeng allergy sudden chqnge of temperature bacterial fungal or viral ang cause. Ang importante palakasin mo resistensya ni baby... bigay ka multivitamins supplement, paarawan everyday hubot hubad, iiwas sa mga possible allergens... mag invest ng good CADR HEPA filter air purifier at humidifier.

Đọc thêm

hi mommy! infants need to get bath EVERYDAY not longer than 5 minutes. pwede din punas punas depende sa weather. ang point is nalilinisan dapat ang mga babies araw-araw. generation today is different from theirs. you should take your pedia's advices regarding with your lo.. your the MUM, YOUR RULES! may mangyari man di maganda dahil sa paliligo mo kay lo, its your accountability, not theirs. sayo din naman nila ipapasa pag nagka problema na.. so you must follow what needs to be follow.. ang pediatrician are not like doctor kwak kwak like your MIL... sorry naiinis lang din ako kasi pag may nangingialam hahaha.. God bless mommy. ,😉❤️

Đọc thêm

ang sipon at ubo nakkuha viral.kpg may nasinghot c baby na nka iritate sa daanan ng hangin nya.nagkakasipon ang baby.nagkakaubo ang baby kpg meron isa sa inyo may ubo or nabahingan ung lo.mo.mahahawa c baby.pro hndi un dhil sa araw araw naliligo.mas dpt sya maligo araw araw lalo na ngaun na mainit ang panahon.

Đọc thêm

tayo nga po pag di nakakaligo ng isang araw nalalagkitan na tayo , baby pa kaya ,even may lagnat si lo pinapaliguan ko siya because its a personal hygiene , paano mawawala ang alikabok or germs sa katawan if di tayo maglilinis. your child your rules po

yung baby ko weeks pa Lang araw araw naliligo walang palya maliban na Lang Kung may sinat dahil sa vaccine nya. sabi Ng pedia wag lang ibabad c baby at punasan kagad para Hindi lamigin

4 months na si LO nung nagligo sya ng twice a day. But before that, everyday talaga sya naliligo, kahit may lagnat. He is now 10 months old

dapat kc everyday maligo si baby mainit kc katawan nila at yung damit ni baby di makapal para fresh lang sila at makagalaw ng maayos.

Thành viên VIP

everyday ngayon 2years old nya sya minsa twice a day nong newborn every other day nong first week nya tapos everyday na sumunod.

Yup dapat po talaga everyday, kahit nga may lagnat inaadvise ng pedia na paliguan

Yes every day para fresh c baby at makaiwas sa viruses