ANG HIRAP MAGING INTROVERT

Ever since nagsama kami ng asawa ko sobrang dalang ko lang talaga lumabas ng bahay. kapag nasa bahay kasi ako at nakakulong lang sa kwarto ko dun ko napifeel ung peace. Nakikipag usap naman ako sa ibang tao pag lumalabas ako, nakikisalamuha pero di ako ganun kakomportable maging ganun kapanatag makitungo sa kanila. Alam ko pinag uusapan ako ng mga kasama ko sa lugar namin dahil sa pagiging ganito ko. Iisang compound lang kasi kami nakatira ng mga inlaws ko pero nakabukod kami ng bahay. Hirap din ako makitungo sa kanila kasi hindi ko alam kung takot ba silang kausapin ako or nagkokontrahan kami ng ugali esp mga sister inlaws ko. Mabait naman ako😅 Nung kadalagahan ko kasi lagi nag aaway yung mama ko at yung kinasama nya. umaabot sa point na hanggang lansangan rinig na rinig mo murahan nila kaya nagkaroon ako ng traumatic experience. Mas gusto ko lang noon na laging magkulong sa kwarto kasi doon mas safe ako, safe from judgement galing sa ibang tao. Gang nasanay ako na laging na lang magkulong sa kwarto. Hanggang sa nakapag asawa ako ganun pa din. Pero di kami nag aaway ng asawa ko. Nakasanayan ko lang talaga na laging mapag isa at iilang tao lang ang nakakasalamuha ko dahil sobrang takot din ako magbigay ng trust. Maari iisipin nyo, "Hindi ka ba naiinip?" Naiinip din po ako. Tao pa din po ako. Pero yung peace ko ung lagi ko pinangangalagaan. kaya kahit magkulong ako sa kwarto ko di ako mananawa kasi dun ko napifeel ung peace ko. malayo sa mga chismosa, mapanghusga at pakelamerang tao na maaari kong makasalamuha. Ang sarap kaya mabuhay na wala kang tinatapakang tao. kesa naman nasa daan ka po diba maghapong nakikipag chismisan para lang mapag usapan ung buhay ng ibang tao HAHAHAHHAAHHAHAHAHA.

1 Các câu trả lời

Being an introvert is a nature na talaga, nadra-drain kasi energy kapag with a lot of people, kaya comfortable ka sa alone time rather than spending time. Pero tanong ko lang, hindi naman impaired relationship mo with your husband, and husband's family? Like, are you still polite po ba sa parents in law mo, or konting kumusta ganito ganyan? Tama ka naman kapag nasa bahay kalang you will not be able to hear chismis from other people, that's how you protect your peace, pero hindi naman ibig sabihin na ang pakikipag salamuha sa ibang tao is chismisan na agad, pwed ka naman pumili ng kakausapin, or kaibiganin ng hindi kayo nag chichismisan. However, di din ibig sabihin na hindi ka nakikipagsalamuha is you are free from comments of other people, may mga masasabi talaga ang tao whether nakakikipagsalamuha ka or hindi, yan ang reality. Tanong ko lang, I was wondering lang kasi bakit mahirap maging introvert kong you are claiming na at peace ka within the four corners of your house? does it bother you na ba na ganyan yung ginagawa mo? Kasi kong hindi naman, dapat di ka nahihirapan sa character mo, kasi sabi mo nga you are at peace?Just curious lang ☺

Nahihirapan po ako na baka iba na iniisip saakin ng ibang tao like di ako marunong makisama or isipin nila na baka may tama na ako sa pag iisip. Dahil mas preffer ko talaga yung mapag isa palagi. Okay po kami ni husband at tanggap nya naman po ako sa pagiging ganito kasi mula nakilala nya po ako taong bahay lang talaga ako. Okay din naman po kami ng family ni husband. nakakabonding ko naman po sila pero hindi ganun kadalas. pero pag magkakasama po kami okay naman po pakikitungo namin sa isa't isa esp sa mga parent in law ko. Sobrang close ko pa sila. And yes po di natin talaga masasabi if may nasasabi na pala satin ang ibang tao. Sabay na lang po ako palagi sa agos. Importante di po ako nang aagrabyado sa kanila. At kung mapag usapan man po nila ako sila na po siguro may problema dun. Basta po for me i always choose the inner peace in me kung san mas kilala ko ang sarili ko higit pa sa pagkakakilala at masasabi sakin ng ibang tao😊.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan