Evening mga mommies, ask lang po ako. Kahapon po kasi ako nagpacheck up at unang check up ko sya nung nagpositive ako sa PT, pero sa UTZ ko nakita dun is 7w & 2d na akong buntis pero sa kasamaang palad wala paring fetal pole na nakita o lumabas na fetus, ang payo sakin ni OB is 5 days na inuman ng gamot na pampakit at folic acid. Ang sabi nya dapat daw talaga sa 7w and 2d may fetus ng lumabas kaso sa UTZ ko kasi as in wala talaga at sac lang meron and may minimal s. hemorrhage pang nakita o pagdurugo daw sa paligid ng placenta ko. Ito po talaga katanung ko, may posible pa po ba na sa after 5days na pinatitake ni OB sakin may posible po ba na mabuo pa ang fetus? Sa case ko daw po kasu Blighted Ovum daw po tawag which is buntis ako pero walang batang nabuo and hindi daw po yun maganda. Sana may maka help sakin. Thankyou.
Mary Joy Miranda