UTI Possible effects
May epekto po ba yung UTI sa baby ko? nakakasama ba ito, parang dugo na yung ihi ko kasi, nagwa-water therapy lang.. Im 7 months preggy and first time mom🥲
Kung may tiwala ka s ob mo at bago ka.nabuntis alam nya nahirapan parehas kau na mabuntis ka cgurado ako na iingatan kau ng mga ob nyo at d magbibigay c ob nyo n pqrehas na ikakapahamak.nyo n baby ako 7days pinag antibiotic after 2 weeks bumalik ako s knya may uti parin ako konti pinag take ulit ako nya ng 3days every 6hours ko cya iniinom. kc felling ko lagi ako naiihi parang.puputok ang pantog ko at d ako komportable na parang masakit or mabigat ang pempem ko at.pwet ko.bsta parang d talaga ako.komportable non dp ako nag gamot nag alala ako din kay bb syempre antibiotic un eh.pero seqrch ko s google ung antibiotic at un nga binibigay s mga pregnant mom.at may mga review rin dito n mga mom n uminom n ganon gamot. alam n ob kung gaano kami parehas nahirapan bago ako nag possitive kaya alam ko inaalagaan nya kmi mabuti n bb.🙂😍ganyan din ako inom ako ng inom water,may pabuko pa at prune cranberry pero nagka uti pa.rin.ff nalang po tau s mga ob natin para parehas safe n bb😍🙂
Đọc thêmMomsh pagamot mo po yan kelangan may antibiotics ka kasi posible ang infection maipasa kay baby.. Tulad ng ngyari sa amin ng baby ko.. Untreated UTI ko kasi 1week nalang manganganak ako via sched CS nag antibiotics na pero di pa rin ako agad gumaling.. Ngyari sa baby ko after ko ipanganak diretso siya NICU at 7days siya na admit dahil sa Neonatal Sepsis with Pneumonia.. Ang hirap nun bukod sa ang mahal ng bayad pero wala yun e ang mahalaga nailigtas ang baby ko ngayon 4mos old na siya. Kaya magpagaling ka para sainyo ni baby 🙏 lagi ka uminom ng maraming tubig at inom ka din ng gamot mi
Đọc thêmMuch better po na magamot po ang UTI nyo. Kasi magkatabi lang po ang uterus at urinary bladder. Kapag may infection ang bladder, pwedeng mahawa ang uterus at si baby sa loob. Kapag po may UTI pwede din yang magcause ng pre-term labor or miscarriage based sa OB ko kaya as much possible dapat maiwasan talaga na magkaUTI habang buntis. Sikapin po nila makainom ng 3 liters ng tubig everyday. 2-3 liters lang talaga pero kung parang dugo ihi mo, mas maraming tubig mas okay then much okay na makapagpacheck up at lab para maresetahan ka if need mag antibiotics.
Đọc thêmnag ka uti din ako pero d ganyan na may dugo n sis, so nag water therapy lang ako mga 2.5L per day. (d ko ininom un anti biotic ko) hahahaha pero huling urinalysis ko mababa na :) iwas din maalat tlga n food. Ung sa case mo sis pacheck k n sa ob, kasi my na cs daw dahil sa uti and it is not good for the baby bka magkasakit din sya
Đọc thêmkelangan mong gamutin ung UTI mo mi. kasi pwede mahawa ung baby. ung pamangkin ko before may UTI ung mom niya then 2-3days palang si baby niya nagwiwi si baby ng spot ng dugo. dahl sa UTI ni mommy
Nagwoworry nga ako eh, bukas ako papa OB paultra nadin then ask regarding my condition
Mamsh yung irereseta naman po sayo ng ob mo na antibiotic is safe para kay baby , kapag ganyan punta napo kaagad sa ob kase kpg napbayaan yn pwedeng maapektuhan yung baby mo po .
May uti din daw ako sabi ng ob ko pero wala naman ako nararamdaman.. 8weeks palang tummy ko kaya di ko ininom antibiotics na bigay nya.. Water therapy lang ako momsh..
mamsh, pa check up ka po agad. nung 6 weeks palang ako naospital ako dahil sa UTI muntik ako makunan. Pa check kana mommy para maresetahan ka ng gamot
delikado po yan pag di na gamot possible makuha ni baby,ang worst pa pag nag preterm labor ka.ganyan nangyare sakin nag preterm labor ako due to UTI.
Bukod sa maipapasa kay baby, posible po kayong magpre-term labor dahil sa infection kaya mas maigi pong magamot. 🙂
Got a bun in the oven