Effective ba ang rosaryo?
Effective ba ang rosaryo ilalagay sa kamay itatabi sa tyan para di na maamoy ng aswang di kasi ako makatulog kasi may konting kalabog o ingay sa malapit sakin napapadilat nako natatakot ako e #1stimemom #pleasehelp #advicepls
mi kung may bala kayo ng baril, yung hindi pa po napapaputok, lagi mo un idikit sayo, or ilagay mo sa bintana nyo. tapos bawang and asin, and maglagay ka ng kawayan na matulis ang dulo sa kwarto mo, or any type ng bagay na makakahiwa, dapat matulis na matulis, like kutsilyo ganun. kung halimbawang may biglang narinig ka na parang katok na ginigising kayo, kahit sa kwarto mo lang, wag agad magbukas ng pinto. make sure din na hindi ka maiiwan sa kahit anong parte ng bahay nyo ng mag isa lalo pag dapit hapon pagabi. sa probinsya po b kayo ngayon mi? ingat po kayo ❤️
Đọc thêmmagsandal ka ng mahabang kawayan na may tilos sa dulo dyan sa labas ng bahay sa may tapat ng dingding ng kwrto mo...magsaoy ka din ng asin sa bubong at paligid ng bhay nyo paikot kahit bago ka matulog
Mas matakot po kayo sa kayang gawin masasamang tao kesa sa mythical creatures. Hindi po totoo ang aswang. Prayers po ang pinakamabisa. God is greater than our fears.
Walis tingting itayo mo ng nakabaligtad sa pinto. Mag saboy ng asin sa paligid, sa bubong bago mag dilim. Bawang sa mga bintana.
magdasal ka lang po sissy, yan lng naman po ang dapat gawin para walang anumang mangyari or kaba mo sissy..
bawang po ako po ganyan pero lagi ako may katabing bawang minsan dinudurog ko para maamoy
bawang at asin sa mga bintana tas mag black ka na damit kapag matutulog na po
walis ting2x po pabaliktad po dapat ang pagkalagay ..lagay nyo sa loob ng kwrto
asin na may bawang daw sbi ng ibang matatanda pra d maamoy si baby
magdasal ka, madam...para mapanatag ka. isip mo lang din kalaban mo.