All The Pain Was Worth It ❤️

Edd via LMP: September 23, 2020 Edd via Pelvic: September 28, 2020 DOB: September 22, 2020 39weeks and 1day Via Emergency CS Nung 37weeks and 2days ko check up day ko i.e ako ng OB ko close cervix pa daw medyo malungkot ako kasi gusto ko na manganak ayoko umabot ng duedate ko dahil baka makakain ng pupu si baby. September 19, 2020 nagwoworried na ko kasi mag 39weeks na ko no sign of labour parin bukod sa pagsakit lang ng puson ko minsan halos lahat na ng paraan ginagawa ko para manganak na. Kinabukasan September 20 kumakain kami ng lunch ng asawa ko tapos bigla akong naka ramdam ng sunod sunod na pagsakit ng puson ko pero kaya ko pa di pa masyadong masakit tapos sinabi ko sa asawa ko so tinanong ko ob ko about dun tapos sabi nya punta kami hospital magpa i.e ako dun kasi sarado clinic nya that time. Pumunta kami ng asawa ko kasama biyenan ko dala na namin mga gamit ko at gamit ni baby kasi ako expect ko manganganak na ko pero sabi ng asawa ko di pa daw kasi kaya ko pa yung sakit. Pagpasok ko ng hospital i.e na agad ako pag i.e sakin may dugong lumabas tapos sabi nung nag i.e na 1cm pa lang daw ako so false labour lang. Pinuntahan ako ng ob ko tapos sabi nya uwi na muna daw ako kasi 1cm pa lang sa bahay na muna daw ako magpahinga check up na lang daw ulit nya ko sa september 26 after nun umuwi na muna kami then nagpalit ako ng panty, kinagabihan around 8pm umihi ako paglabas ko sa cr biglang may lumabas sa pwerta ko so bumalik agad ako ng cr tinignan ko pag tingin ko dugo na yung lumalabas. Kinabukasan September 21 nag exercise ako lakad at squat ulit tapos sabi ng tita ko magpakulo daw ako ng lemon grass tapos inumin ko daw wich is sa tingin ko yun yung umeffect sakin kaya nag open agad cervix ko kasi naka limang baso ako nung araw na yun tapos around 7pm nag nipple stimullation ako. Nasa kwarto kami ng asawa ko around 9:30pm sumasakit na tyan ko maninigas tapos sasakit pero keri ko pa tapos sinabi ko sa asawa ko sabi nya monitor ko daw hanggang madaling araw, then natulog ako nakuha ko pa matulog hanggang 2:30am ng madaling araw September 22 nagising ako sa sobrang sakit pero sabi ko sa isip ko keri ko parin to natulog pa ko naka idlip pa ko ng 5mins tapos nagising nanaman ako sa sobrang sakit. After 5mins nagcocontract na sya tapos palala na ng palala yung sakit hanggang sa umabot na ko ng 4:30am nagising asawa ko tinanong ako bat daw gising ako tapos sinabi ko sakanya then sabi nya sakin after 1hour kapag ganun parin punta na kami hospital. Then 5:30am inaya ko na sya sabi ko masakit na talaga iba na yung sakit, pumunta kami sa hospital nakarating kami 5:45am tapos 6am i.e na ako pag i.e sakin 4cm na daw so dinala na ko sa labour room. 7am i.e ulit 5cm na daw 7:30am di ko na mapigilan pagngawa ko haha kasi tuloy tuloy na yung sakit di na tumitigil 8:15am i.e ulit ako 6cm na daw jusko nasasabunutan ko na sarili ko sa sakit tapos biglang sabi sakin ng nurse na pinapaturukan ako ng pain reliever ng ob ko pagturok sa swero ko nakaidlip ako tapos nagising ako sa boses ng ob ko tinatawag pangalan ko tapos sabi nya i.e nya ko pag i.e nya sakin 6cm parin. Dito ako nasaktan ng sobra sa sinabi ng ob ko bigla nya sinabi sakin na for emergency cs na daw ako kasi di nag fufunction ng maayos yung pagmonitor ng heart rate ni baby kasi nastress na daw sya. So no choice na ko kahit ayoko ma cs wala na ko magagawa gusto ko umiyak nun gusto ko sabihin sakanyan na kaya ko pa po baka sakaling madaan sa normal delivery pero inisip ko na lang baby ko, kinausap ng ob ko asawa ko then sinabi nya for emergency cs ako pumayag na lang din asawa ko. Around 9am pinasok na ko sa operating room doble doble yung kaba ko at pagdarasal ko 9:48am baby's out narinig ko iyak ni baby naiyak ako ng sobra yung lahat ng sakit na nararamdaman ko nawala nung narinig ko iyak nya, tapos pinakita sya ng nurse sakin sobra sobra yung tuwa na naramdaman ko after nun di ko na matandaan mga nangyari nalutang na ko halos di ko na alam ano ginawa sakin nagising na lang ako na ililipat na ko sa room namin. Sobrang proud ko sa sarili ko kasi kinaya ko lahat ng sakit basta para kay baby. Kaya kayo mga mommies lakasan nyo lang loob nyo at wag papastress pra di maapektuhan si baby. Kasi bandang huli worth it lahat lahat ng sakit ❤️ Nagpapasalamat ako kay God dahil di nya kami pinabayaan, sobrang thankfull ko din sa asawa ko dahil kahit pagod na pagod sya sa pag asikaso sakin at 2days na syang puyat di sya nagreklamo ❤️ Goodluck sainyo mga mommies 😘

All The Pain Was Worth It ❤️
39 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

congrats po mommy 🎉🎉🎉