Baby Ace

EDD: September 18, 2020 DOB: September 4, 2020 13 hours in labour. 2 cm ako nung na-admit. At first I was confident na di ako mag tatagal sa labor room kasi I've read a lot about proper things to do while in labour, mga tips para mapabilis ang pag open ng cervix like squats and walking. Nag squats ako, pero they've told me to rest instead, para raw masave energy ko. I thought I knew everything. Akala ko lang pala. Because everything I've read, was useless. Di ko nai-apply lahat ng nabasa ko, simula sa pag lalabor hanggang sa pag ire, wala. Kasi sobrang sakit pala talaga, akala ko kaya ko yung sakit, sabi pa ng ob ko, parang di pa raw ako 4 cm nun kasi nakakangiti pa ako, antayin ko lang daw mag 7 cm ako, di na raw ako makakangiti. Totoo nga. 7 hours na nag lalabor, 7 cm pa lang ako, sobrang sakit na, sobrang hinang hina na ako dahil sa pag IE sakin ni ob. Inadvise niyang mag lakad lakad ako para bumaba pa si baby pero di ko na talaga kaya dahil nahihilo na ako at nasusuka sa sobrang sakit, nag sinungaling na nga nurse ko sa ob ko, pinag takpan niya ako nung tinanong ni ob kung nag lakad lakad daw ba ako, sabi ng nurse ko oo, kahit hindi. Buti na lang mabait si nurse. Nilagyan na rin ako ni nurse ng oxygen dahil hirap na akong huminga. I was worried na baka maka poop si baby sa tiyan ko, sa awa ng Diyos walang nangyari kay baby. Dati kinakabahan ako sa episiotomy, pero nung nasa delivery room na ako wala na akong pake sa sakit dahil ang gusto ko na lang mailabas ko na si baby. Wala na rin akong pake sa ob na nag sasabi saking umire ng di nag iingay, wala na rin akong pake kung maka poop man ako, nasa baby ko na lang lahat ng focus ko nung makita ko nang lumalabas na ulo niya, kahit makita ko pa kung pano nila hiniwa sa baba para lang mailabas si baby. Totoo yung sabi ng iba dito sa TAP, na hindi mo na maiisip yung sakit ng episiotomy pag lumalabas na si baby. Totoo rin na wala nang mas sasakit pa sa panganganak, pero totoo rin na pag nakita mo na si baby at naramdaman mo, wala na lahat ng sakit at pagod mo. Salute to all mothers out there na naka survive sa panganganak. Mas lalo akong nabilib sa mga nanay. Sobra sobra po talaga sakripisyo ng mga nanay, sa pagdadala pa lang ng anak, lalo sa panganganak, hanggang sa pag aalaga at pagpapalaki ng mga anak, buhay ng ina ang kailangang isakripisyo habambuhay. Kaya sa mga husband, be faithful and loyal to your wives, you will never know how much they've sacrificed for your family. Take good care of them, and love them with everything you have. I love you mama ❤️❤️❤️❤️

Baby Ace
33 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ftm 35 weeks 2 days preggy, kinakabahan nako. 🙁

4y trước

Kaya mo yan mommy, mawawala rin yang kaba mo pag nasa labor room ka na mommy, pray lang. Good luck mommy 😍😍🤗🤗

Congrats momsh sana ako rin mkaraos na 😊

4y trước

Eto stock padin aq sa 2cm momsh para lng aq may mens yun lang nararamdaman ko hilab? mjo lang pero dpa gnun kaskit duedate ko 2days nalang nkkapag alala lang. 😓

Super Mom

Aww cute! 😍Hi baby. Congratulations po mommy.

Post reply imageGIF
4y trước

Thank you mommy 😍😍

Mama' love s forever unconditionally 😢💖

4y trước

True ❤️❤️

Congrats momshi.. baby ace din baby ko soon :)

4y trước

Thank you momshie 😍😍 Sana magka baby ka na rin momshie ❤️❤️

Thành viên VIP

Congratulations mommy. ♥️♥️♥️

4y trước

Thank you mommy ❤️❤️❤️

wow! congratulations momi. ang galing.

4y trước

Thank you po ❤️

Congratulations po mamsh💕

4y trước

Thank you mamsh 🤗🤗❤️

ang cute nya.congrats mommy

4y trước

Thank you po mommy 🥰🥰

Congrats po ❣️🤗

4y trước

Thank you po 🤗🤗🥰