Aiyiesxa Brianne
EDD: June 17, 2021 DOB: June 23, 2021 via C-Section June 22, 2021 around 8PM, sumasakit na puson ko with paninigas ng tiyan. Tolerable pa ang pain kaya nakatulog pa ako by 11PM. June 23, 2021 around 2AM, nagising na ako kasi masakit na talaga. Inorasan ko na yung interval ng contractions and less than 5 minutes na siya within 1 hour. So si mister, pinababa ko na para sabihan sila nanay. Umalis na din kami agad papuntang hospital. Around 4AM nasa hospital na kami, daming paperworks and tests bago ako nadala sa delivery room. Nung nasa delivery room na, almost 7AM na ata nun. Nag fetal heart monitoring kami and dun nakita na may late deceleration kay baby. Humihina ang heartbeat niya kada nagcocontract ako. Kaya minabuti ng OB ko na magCS na kami kasi baka di na kayanin ni baby ang mga contractions, nasa 2CM pa lang ako nun kasi. 8:30AM, my baby was born. Hindi ko na yun alam kasi tulog na ako. HAHAHA! Nalaman ko na lang lahat afterwards. Ngayon, okay na lahat samin ni baby 🥰 We're finally home and ang takaw takaw ni baby. Okay lang, ang liit niya kasi. #firstbaby
Aiyiesxa Brianne's mom