Edd: Dec 22 2022
Dob: Dec 14 2022
Via C.s
3.5kilo
Dec 14 3AM nag start na humilab tyan ko ung hilab na kaya ko pa. 11AM pasakit na ng pasakit kaya pumunta na agad kami ng hospital, Pag ka I.E sakin close cervix pa daw kaya pinauwi muna ko no choice ako kahit masakit ndi ako pde mag stay sa hospital need ko daw mag pahinga. Aun na nga hanggang sa nakauwi na kami nagpahinga ko tapos kain konti maya maya (4pm) sobrang sakit na halos mamamatay sa ko sa sobrang sakit may discharged na din na watery brown nagpadala na agad ako ng hospital pag ka I.E sakin 7cm na kaya inakyat na agad ako ng delivery room, inabot ng 8pm ayaw pa din nya lumabas kahit anong ire gawin ko ndi talaga sya bumababa, hanggang sa humihina na daw ung heartbeat nya kaya nag desisyon na ung doctor na iC's na ko 😩😩 Pag kadala sakin sa C's room 1hr pa bago sila nag umpisa na operahan ako 😩 1hr ko pa tiniis ung pag hilab ng tyan ko na halos di ko na talaga kayanin 😞 9:40pm nung lumabas na baby ko at thankyou kay god ndi nya pa din kami pinabayaan walang kahit anong sakit baby ko 🙏❤️ kaya sa mga mommy na ndi pa nakakaraos kaya nyo yan ☺️☺️
Anonymous