Nakaraos na at 36 weeks and 5 days :)

EDD August 31 pa pero napaanak na ko last Aug.8 at 36 weeks via NSD. Akala ko premature pero buti nalang yung findings ng pedia kay baby ay full term at equivalent to 38 weeks na sya. Kaya di na nyabneed i-confine sa NICU at nakauwi agad kami :) Thank you for this community sa mga advices during my pregnancy journey :) Congrats sa mga nakaraos na at sa mga hindi pa, konting kembot nalang! :)

3 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Sana all po same edd tayo pero nararamdaman kolang PANINIGAS NG TIYAN, PAG SAKIT NG PUSON TIYAN SINGIT BALAKANG LIKOD TAS YELLOW AND WHITE DISCHARGE LNG MERON AKO

ano po ginawa niyo para manganak po kaagad EDD kopo KC Ngayon August 29 po

5mo trước

Di ko alam kung nagkataon lang, pero a day before ginamit ko yung yoga ball (1 day ko lang nagamit hehe) tapos nag-do din kami ni hubby (once a week naman namin ginagawa). Tapos next day mga midnight may naramdaman akong mild contraction at nagkaron ng spotting. Tapos nung kinabuksan naglakad ako nung morning, then ayun na derecho labor na ako, 2pm palang baby out na hehe :) In preparation simula 7 months naglalakad ako kahit mga 2x a week at every morning light exercise lang like stretching at deep squat, mga 5-10 minutes a day.

congrats Momshie. i'm happy for you and your baby.