EBF
1 month 22 days baby
Hi po ,
Ask ko lang kung normal na magbago ang pattern ng pagdede ng going 2 months old ng baby.
Dati po kasi every 2 hrs walang palya po nagigising sya para dumede kahit sa madaling araw, pero ngayon po kasi more on tulog talaga sya even sa umaga tulog ng tulog tapos sa gabi tulog din po ng tuloy tuloy nagigising na lang ako after 4 hrs ng last dede nya sakin tulog pa din po sya.
Ang nangyayari po pag sa gabi na nagigising ako bubuhatin ko po sya para dumede, nag-lalatch naman sya sakin ng medyo matagal kung ang interval mula sa last na latch nya ay 4 hrs.
Sa umaga naman po every 2 hrs ko inooffer breast ko sakanya, yun nga lang saglit lang sya mag latch , minsan i titikom nya pa bibig nya pag dinidikit ko na breast ko.
Need ko po ba ibalik sa every 2 hrs yung pagdede nya even sa gabi or hayaan ko pong sya mismo ang mag cue na gusto na nya magdede at hayaan ko na lang po matulog ?
Salamat po.