nakaraos din salamat!

Meet my baby girl Angelika Halsey ?❤ DOb: May 25, 2020 2.5 kgs via NSD Mga 2:30 am naalimpungatan ako at nag cr para umihi at pagkahiga ko ulit sa kama kala ko napaihi ako un pla ang hindi ko alam amniotic fluid na pla un.. Pumunta ulit ako ng banyo pra i check inamoy ko pero wlang amoy.. Nalilito pko that time basang basa na panty at short ko.. Ayoko pa gcngin hubby ko bka kako ndi nman amniotic fluid un.. Kaya ako binuksan ko wifi tapos search search ako habang pinagpapawisan na ko ng malamig tpos di ko nmalayan tumingin na hubby ko sa akin.. Sabi ko sknya tulog na ulit sya.. Nung di ko na kya ginising ko na sya at umiiyak na bka mapano c baby ko kaya sya tumayo at naghanda na ng hospital bag nmin which is kulang pa ung gamit ni baby at sakin due to quarantine nga... Sabi nya sakin sabihin ko daw sa knya kung dadalhin na daw ba nya ko sa ospital.. Sabi ko kaya ko pa nman may mga contractions na ko na nararamdaman every 15 mins. Pero kaya ko pa nman hanggang umabot ng 6 am at sabi nya bibili lng daw muna sya ng mga gamit pa ni baby kaso di nya ko maiwan iwan tpos that time sarado pa western union nun buti nlng tinabi ko ung 1,500 na galing sa ayuda at nakabili sya... Naligo pa ko nun at sumayaw sayaw haha.. Tpos tinxt ko na ob ko pinapupunta nko ospital.. 10 am Pagpunta sa ospital in-IE nko 3cm n daw at tsaka ptuloy sa pag tagas ung panubigan ko... Hanggang sa swinero nako ang sakit.. At dinala sa delivery room na ndi kinakabahan sabi ko titiisin ko ang sakit pra sayo anak.. Lagi lagi ko syang kinakausap na kapag sabi ni doc na ire labas na sya agad.. Antay kmi ng antay kc may nauna sakin na ang sabi nya doc masakit nagdidiliryo na tlaga sya sa sakit.. Ako nman relax lng at di nagpapaapekto kc bka mahirapan akong manganak natulog pako ng kaunti dahil ang tagal maglabor nung nauna sakin hanggang umabot na sya ng 12:15 pm at nagdesisyon ng i emergency cs sya... Ayun lunch time ng mga nurses at doctor nun mga 12:50 pm ininduced ako ng nurse at sabi nya kung nahilab ba daw sabi ko di nmn po gaano.. Sabihin ko daw kpag masakit na masakit na wag ko daw tiisin hanggang umabot n ng 1pm dun na masakit 5cm pa daw at sobrang layo pa pero aun hinanda na nila para sa pagpapaanak ko at nagjojoke pa cla na super bait ng mga nurse.. Sabi nila iire ko na daw.. Umire nako at dumating na Ob ko tinulungan din ng mga ibang nurse sa panganganak ko mga 5 cla sa plagid ko tinurukan ako ng anesthesia na pra akong lasing ganun nagdodoble paningin ko nun e.. Hanggang sa ngising nko nsa kwarto nko.. At nsa tabi nko ng hubby ko sabi nya "mama tatlo na tayo" na nakangiti at pasalamat ako sa DIYOS dahil lahat ng ktabi ko CS ako lng normal delivery at naasikaso pa ung philhealth ko ng hubby ko na akala nmin imposible ng makuha... At aun n nga dami ko ng nakwento pasensya na haha... Swerte din ako kc ilang days plang c baby alm n nyang dumede mag isa at npakabait kc ndi iyakin.. At tsaka payo ko lng din sa mga malapit manganak be aware dun sa amniotic fluid nyo basta walang amoy ,di mapanghi at lumabas sa isang butas dun sa baba kung saan lumalabas regla natin panubigan un ... Salamat sa tiyagang pagbabasa.. Gdluck sa inyo.. ❤❤

nakaraos din salamat!
59 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Influencer của TAP

Gandang bata at Ang Ganda pa ng ngiti. God bless you and your family keep safe and stay healthy Lalo na si baby

5y trước

Salamat sis😍

I read the whole story talaga sis. Congrats and swerti ka po kasi palatawa si baby

5y trước

Thank you momsh ❤

Thành viên VIP

Anu ba yan, basta kwentong ganto. Naiiyak ako. Congrats mamsh! Welcome baby!

5y trước

Thank you mamshie

Congrats sis! Ask ko lang kung magkano binayaran nyo gamit ang philhealth?

5y trước

Salamat 😘

Thành viên VIP

Tearyeyed naman ako dun sa "mama tatlo na tayo.." 😭🥰

Congrats po.. Painless ka po ba bakit po may anesthesia n tinurok sayo?

5y trước

Painless ata mamsh.. Di ko kc masyado ramdam ung panganganak ko at tsaka ung tahi that time..

Thành viên VIP

Congratulations. Bakit po kayo tinurukan ng anesthesia momsh?

5y trước

Para daw di masyadong maramdaman ung sakit sis.. Pati nga ung pagtahi di ko namalayan kc di ko ramdam tlaga.. :)

Congrats po! Stay safe & healthy.. God bless!

congrats sis! ganda ni babygirl bungisngis :)

5y trước

Thank you sis 😄

Congrats po .👏👏