BIGKIS

Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2545807548990746&id=2191214251116746

BIGKIS
36 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

2 months na ang baby?? 2 months nang di na kakahinga at nakakakain ng maayos ng bata? Kung gusto nyo maging "traditional parent" aba, wag naman sana ipagwalamg bahala ang mga signs...2months!? 2 buwang pinarusahan ng magulang nya ang batang ito. Wag maging pabayang magulang, magmasid at pakiramdaman ang bawat nangyayari sa bata. Di pa nila kayang mag-isa, di pa nila kayang sabihin kung may masakit sa kanila o hindi tama. Tayong mga magulang nila ang dapat na nakakaalam. Di ka pa ba magtataka sa marks ng tiyan ng bata everytime na paliliguan o bibihisan mo sya. Tsk! Nakakainis ang ganitong klaseng magulang. Wag nyong sabihing baka 1st time ng magulang, ftm din ako kaya mas vigilant at sensitive ako sa pangangailangan at nararamdaman ng anak ko.

Đọc thêm

Grabe naman kasi sa higpit. Talagang magiging iritable yan at mahihirapan huminga. Common sense naman. Kawawa yung baby eh. Yung sa pagsusuka na part hindi lang naman po sya dahil sa bigkis. Meron din pong ibang cause gaya ng reflux. Nabasa ko sa mga articles yun dito na common sya sa newborn since hindi pa gaanong develop yung stomach nila kaya need daw na buhatin sya patayo, para matulungan mag-digest , ng atleast 15-20mins.

Đọc thêm

Sa firalst baby ko dahil halos matatanda na kasama ko sa bahay, binigkisan nila. Then nung checkup ng anak ko, nagalit yung pedia nya. Pinagtatapon yung bigkis ng anak ko. Hahaha. Para saan daw yun and pinapahirapan lang daw namin huminga yung anak ko. After nun di na namin binigkisan.

Binigkisan ko lang panganay ko nung umusli yung pusod nya. Advise din kasi ng pedia nya. Isang linggo lang hindi rin kasi effective. Napupunta kasi sa dibdib yung bigkis. Tsaka madalas sumuka anak ko. Kaya ginawa ko bulak at tape nalang. Nag okay naman na yung pusod nya.

Yung 3 anak ko,binigkisan ko from birth to 7 months..advise din kase ng nanay ko kase syempre ganun din ginawa nya sameng magkakapatid.para matibay ang bewang ni baby lalo na kapag mag start na sya maglakad.iwas luslos pa.

Luh. Grabe naman pagkakabigkis kay baby mukhang ang higpit. Ako nagbibigkis sa baby ko pero diko hinihigpitan. Ikaw nga na matanda pagka masikip lang short mo hirap ka e yan pa kayang baby. Common sense naman po.

Grabe naman kase kahigpit magbigkis yan sabe ng mama ko gamit lang daw ako bigkis pag lalampinan ko dahil wala kaming diaper clip pero luwagan ko daw ayan parang sobrang higpit ng bigkis naman kawawa si baby .

Thành viên VIP

Sa tapat lang naman kasi ng pusod ang bigkis at di mahigpit masyado. Grabe naman pagkabigkis sa baby talaga mahirapan huminga yan eh hanggang dibdib na halos at tyak mahigpit pulang pula eh

Bigkis pro wag naman yunG taLaganG napipisat na unG tyan ng baby... PanG alalay Lang sa pusod habang ndi pa natatanggaL 😊 nakakatakot kc paG lalawit lawit Lang anG pusod ni baby.

Hay nako ang sarap ipabasa to sa mas marunong pa sakin para sa anak ko. Nagagalit pa sakin kasi ayaw ko bigkisan anak ko. Mga pakelamera. Anak ba nila anak ko? Bwiset hahaha