lihi ba to?

Di ko alam kung lihi ba to kung lihi man ito ayoko na maglihi. Lagi nalang kaming nag aaway mag asawa. Laging mainit dugo ko sa kanya as in ramdam kong tumataas at umiinit dugo ko sa kanya. Kahit sya mismo sinasabi di na nya ako halos makilala para daw akong lion na halos gusto ko syang lapain ngayon lang kami nagkakasagutan ng ganito ngayon lang kami nag aaway ng ganito. Ang bilis kong mainis sa kanya. Di naman ako makatulog pag magkaaway kami lagi ako napupuyat pag di kami okay pero gusto ko rin lagi ko syang nakikita pero naiinis naman ako sa kanya. Pero naiinis talaga ako sobra ang patola pa nya. May solusyon ba sa ganito? Please help. Please respect pati sarili ko di ko na rin makilala. (1st trimester)

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako nga nung 1st trimester ko napalayas ko pa asawa ko ng bahay. hahahaha. buti na lang mabait asawa ko. ito nasa 2nd trimester na ko, di na ganun kalala topak ko. nung isang gabi di ako tumabi sa kanya nainis ako pano hindi tinapon basura sa CR. kagabi naman super kiss ako nang kiss sa kanya tapos grabe yakap ko sa kanya nung matutulog na kami. nakakaloka talaga ang pregnancy. ako rin minsan di ko na kilala sarili ko. pero ang masasabi ko lang ay magsorry ka sa asawa mo pag may nasabi kang di maganda at magexplain ka na pregnancy hormones mo malala at di mo makontrol. maging loving tayo sa asawa natin kung mabait naman sila satin. asawa ko kasi super bait kaya naaawa ako kapag napagsasabihan ko hahahahaha.

Đọc thêm

hehe nakarelate ako dito ah😅nung 1st trimester din ako madalas din kmi mag away ng mister ko😅as in nkkapagsalita talaga ako ng di maganda.narerealize ko nlng pg hnd n tlga kmi nagpapansinan..hirap kaya yan pigilan,mabuti nalang inintindi nia ko kasi ako pa naiyak talaga😅ayun hanggang sa natuto nalang din ako n controlin sarili ko kasi pangit dn nmn ung my samaan kyo ng loob.

Đọc thêm

Dahil po yan sa hormones, 2months din ako ganyan (2nd trimester) galit ako sa isang tao (family member lang din), tuwing naririning ko boses niya naiinis talaga ako nahihighblood ako haha ginawa ko iniwasan ko siya, I tried to think happy thoughts, divert my attention

ako mi sa 2nd tri ko or 24 weeks ko. nagsimula talaga ako mairita sa bawat kilos sya lahat lahat kaso dinadagdagan pa nya ng pang aasar kaya lalo akong naiimbyerna. part talaga yan mi at need nyo pag usapan. explain mo din mi

Ako namn po baliktad. Sabi ng husband ko bumait daw ako nung naging preggy ako. Mainitin ulo ko dati noong d pa preggy. 😅 After ko daw manganak buntisin nya ako ulit para mabait lang ako palagi. Ahahaha

HAHA 2nd-3rd trimester ko yan naranasan YUNG FEELING NA GUSTO KO PALAGI KO SIYANG NAKIKITA,PERO KAPAG KASAMA KO NAMAN SIYA INAAWAY KO HAHAHHA.pero thank god napaka patience nia saken

same mi, lagi mainit ulo ko Kay mister tapos inaaway ko talga pinapaalis ko ayuko Makita Mukha nya pero pag Wala na sya hinahanap hanap ko namn,Buti nalang mahaba pasensya nya🤣

yes Po lihi Yan ganyan din Ako sa husband ko nuon mag second trimester na Ako...Buti nalang mahaba pasensya ng Asawa ko ..

Yes part ng paglilihi, pero try to control din kasi even the kindest person napupuno sumasabog.

yes lihi yan. ang need dyan yung husband mo ang dapat mas mahaba ang pasensya