Palo

Di ko alam kung depression to, Kanina napalo ko yung 2y/o ko, napuno na kasi ako, alam ko nasa kakulitan na talaga sya kaso tatlo sila may 1y/o pa tsaka 1month old. Sabay pa yung inis ko sa tatay nila na wala na ginawa kundi mag laro ng mobile games. After ng work nya pag uwi sa bahay naglalaro na sya hanggang madaling araw. Minsan wala ng tulog magttrabaho na ulit. Dati naman natutulungan nya ako sa mga bata. Tuloy nadadamay mga anak nya sa inis ko. Hindi ko naman sya mapagsabihan dahil nagagalit sya at ilang beses na rin kami nag away dahil pinababawasan ko sakanya yung paglalaro nya. Almost 1week na kaming hindi naguusap. Ok naman kami kaso hindi nya lang talaga ako makausap dahil busy sya sa paglalaro. Minsan nasusungitan nya pa kami kapag kinakausap namin sya. Nagtitimpi ako sakanya pero pag dating sa mga bata dun ko nababaling yung inis ko. Naawa ako sa anak ko pag napapalo ko sila. Maliliit pa sila eh. Naiiyak ako. Pag nagiging ganito ako naiisip ko yung ginagawa samin nung maliliit din kami. Grabe kami paluin. Ayoko sana gawin sa mga anak ko at ayoko rin na makuha nila yung ugaling pananakit sa anak pagdating ng panahon na sila naman ang magkakapamilya. Kaso pag nagagalit ako hindi ko na maisip yun. Parang gusto ko nalang mawala sa kanila para di na nila maranasan sakin to. Mababait mga anak ko sobrang malalambing, ngayon na napapalo ko sila napapansin ko nagiiba na rin ugali nila. Nagi-guilty ako. Gusto ko maayos ulit kami. Nakakaawa pag naaalala ko yung mga iyak nya habang pinapalo ko sya. Please need ko po ng advice nyo bilang nanay. Wala rin po kasi akong nanay o kapatid na nakakausap eh. Kapag may problema ako, mag isa lang po ako.

40 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

THANK YOU po mommies.. nabawasan yung stress sa utak ko nung nailabas ko 'to.. kahit sa mga friends ko kasi di ako nag oopen about dito, ayoko kasi na mag iba tingin nila sa asawa ko. Ngayon lang naman sya naging ganito samin eh. Dati naman sobrang asikaso nya kami. Simula nung naglalaro na sya, ibang iba na sya. Pero pinipilit ko parin umintindi bilang asawa.

Đọc thêm

sa akin d magawa ni hubby yan alam nya d aq nag sasalita biglaan lahat ng ginagawa ko. bago ku sabihin.. na ihagis kuna.... minsan kailangan din ntin maging kunting tapang sa mga asawa natin kc minsan akala nla nsa bahay lng tayo easy lng ang buhay ntin sa bahay...kya pag uwe nla para rin slng boss.😊😊😊😊

Đọc thêm

Ganyan dn momy partner ko my wifi nkmi nag ppload ptalaga pra di lng mag log sa games nya tpos npaka iritable nya pag nag lalaro sya di mo dpat distorbuhin yan dn nag ppa stress skin e. Aside from that wla nmn sng iba png bisyo kakainis talaga ang ml nyan. 😠😠

5y trước

Irritable talaga yung iba mga momsh. Lalo na yung hindi nila ma control galit nila when playing online games. Need niya din ng time away sa laro.

Huhuhu mommy same n same tayo akong ako din yan un nga lang di ako namamalo kasi big na sila kaso about s hubby ganyan n ganyan prob ko huhuhu ung tipong bawal sila kausapin dahil s mobile tas kaya nila magpuyat pero pagdating s anak hindi kaya nakakaubos lang ng pasencya

Thành viên VIP

Gantong ganto aq dati maliliit pa 3ng anak q . .dahil din cguro sa stress natin momshie tapos sasabay pa si hubby. .mas mganda na may masasabihan tayo ng sama ng loob at mga problema pra atleast mdyo mkalma tayo kasi kawawa tlga mga bata. Nadadamay sa stress natin. .

kawawa nmn mga bta momsh.pag si hubby may kasalanan si hubby lang ang parusahan..heheh.kausapin mo asawa mo.minsan ganyan din si mr.ko ang gingawa ko pinapakarga ko si baby sa kanya.di ko kinukuha.kukunin ko lang pag dedede eh di no choice sya

Ganyan si hubby may time pa binabalibag nya cp nya sisigawan ako mumurahin. Aah taragis sya aah nakatikim sya sakin ng bagay na ayaw nyang makita. Binasag ko cp nya sabi ko. Tutal wala naman pkinabng yang cp mo samin binasag ko.

5y trước

Super nagalit sya pero nagtino naman kahit papaano kasi alam na nya kaya kong gawin eh

Thành viên VIP

I feel you mommy. 😢 problema ko din yan ngayon sa asawa ko kakalaro nya ng mobile games. Wala silang limitations madami silang oras sa kakalaro nila pero sa anak nila wala silang oras. 😔

Thành viên VIP

Sis minsan nagawa ko din yan. Ung inis mo sa anak mo at sa asawa mo nagsabay... Inhale exhale ka sis wag ka padala sa inis ko kasi wawa ang anak☹️. Ako ung asawa ko inaaway ko nalang.

Pag puno na ako sa kakulitan, pikit ko saglit mata ko sabay hinga ng malalim... :-) minsan mga baby sobeang kulit kasi seek sila attention sa mommy...