Subchronic Hemorrhage
Delikado ba kapag may internal bleeding? Sabi ng OB ko konting konti lang naman daw and niresetahan ako ng pampakapit for 2 weeks. Gumagaling ba yan? Kinakabahan kasi ako baka makaapekto kay baby.
hi sis, ganyan ako nung 1st trimester. nag reseta din ng pampakapit for 2 weeks then bed rest. nawala naman after 2 weeks, 37 weeks na ako ngayon 🥰 ingat sis and wag kalimutan inumin or iinsert ang pampakapit na nireseta sayo.
Nawawala naman po yan basta mag gamot. Ganyan din po ako. Nag take ako duphaston for 2 weeks 😊 tapos nun nag tvs ulit and wala na yung hemorrhage.
nagagamot Po yan mommy take lang Ng pampakapit like duphaston po ako Po ganyan dati dlawa Po Ang gnyan ko now mag 2years old na anak ko
Hello mommy kamusta po? Ganyan rin kasi nangyari sakin meron daw akong bleeding sa loob. Gano po kayo katagal nagbleeding?