Tips for proper training cup

Hi dear parents, hingi sana ko ng tips/advise. ung 13mo little boy namin until now ayaw pa din nya uminom sa training cup or straw type na cup o kahit duck bill type na bottle. ang gusto nya ung itsurang bottle teat pa din na may straw. tips naman po kung pano dapat maturuan ang toddler uminom sa mga sippy cups, or darating po ba talaga ung time na ready na sya magtry uminom sa training cup/sippy cup

Tips for proper training cup
4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Hello. Try niyo po iseperate yung straw sa cup at hayaan po muna siya mag explore at paglaruan. Baka po kasi napepressure siya sa gusto niyong ipagawa sakaniya? 🤷🏻‍♀️ Tsaka try niyo po bumili ng shot glass size na cup, baka matuwa siya kasi maliit, tapos palaro niyo muna. Much better kung may mahanap kayo na small pitcher din. Sa anak ko kasi 6 months pa lang open cup na siya using shot glass para mahawakan niya ng maayos. After nun silicone cup and straw na kasi natakot ako baka mabasag 😅 pero di naman nabasag kasi quality at makapal ang glass. Meron din atang stainless type shotglass pero wala akong nahanap. Yung shotglass tip, napanuod ko sa YT, kay Emma Hubbard, Pediatric Occupational Therapist.

Đọc thêm
8mo trước

ok po momsh thanks sa advise 😊

6 months po yung baby ko sa open cup na sya silicone gamit namin, at first marami talagang natatapon and its okay na may natatapon po lalo na 1st time palang, ngayong 11 months na sya master na sya mag cup, hindi sya gumagamit ng straw, minsan baso na pang adult ginagamit.. wag niyo po muna i-straw, open cup nalang po muna, i-demo niyo po and allow your baby to follow you. Be patient po kapag nagtuturo and expect na mababasa talaga kasi di pa sanay but once masanaya na konting tapon to wLang tapon na po yan.

Đọc thêm
8mo trước

oo nga po, napansin ko din na mas interested si baby sa open cup, kesa sa straw cup siguro eventually matututunan din nya ung straw cup. stick nalang muna siguro ko ngayon sa paggamit ng open cup since yun ung mas interested sya

Ganyan din anak ko mi nung una. Yun pala ang gusto niya water lang ang laman. Kapag milk gusto niya yung regular bottle pa din. Kapag iinom siya ng water sa straw cup na siya hanggang sa nasanay, eto nagpapa ulan na ng tubig pagkasipsip papaulanin niya nilalaro na.

8mo trước

siguro eventually matututunan at masasnay din ung aming little toddler tinatry ko nalang sya iintroduce sa open cup drinking kasi parang mas gusto nya yun

Si baby ko una di rin marunong. Nag Explore lng siya. Tapos sinasabayan ko inom din ako gamit straw para makita niya sakin pano ginagawa

8mo trước

sige mommy thank you, iniiwan ko na nga lang ung straw/sippy cup nya everyday, tapos hinahayaan ko nalang minsan na laruin nya.