Normal lang po yan. Since hindi pa nya ma control emotions nya yan lang ang paraan nya. Napanood man nya yan or hindi.
Habang nakikipaglaro baby mo, panoorin mo siya. Pag nakita mong magsisimula na yung away kunin mo na si baby then kausapin mo. Tanong mo kung galit, kung naiinis, ect. Ang mahalaga kailangan mo ma acknowledge kung ano emotion nya that time. Then pag nagawa nyo na yun tell him may ibang paraan ilabas ang emotion kung naiinis siya or kung nagagalit. Nasa inyo na yun mommy kung anong best way.
For me and my 3 yrs old nalampasan na namin yan. Dati mahilig siya manipa pag nagalit or nainis. Ngayon he would just tell what he feels. Kung galit sasabihin nya "Nagagalit nako!" pero sempre pasigaw na then walk out kasi nga galit.
I think ang mahalaga validate your kid's emotion and give them the best option to express it.
Jane Balbin