Dapat ba o hindi?
Dapat pa ba kaming tumira ni baby sa bahay ng inlaws o hindi na? May kasabihan na ang babae ang lilipat sa bahay ng lalaki. Pero pano po kung yung pamilya ng babae ang gumastos sa lahat (as in lahat. Wala kahit piso naibigay si partner) sa bills and everyday needs ni baby? Obligado parin ba kami ni baby na sumama at tumira sa bahay ng partner ko? #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby
hindi Pag walang sariling Bahay or mauupahan, sasama po babae sa lalaki pero Hindi sa Bahay ng in law's. sumama ka Pag may sarili n kayong place hindi mkikitira. Pag nakitira kayo malabo, matagal at mahirap na bumukod magging relax n kasi asawa mo. mas ok parin nakahiwalay kayo Bago sumama para mag pursige siyang makakuha ng Bahay or mauupahan man lang.. lalo n ganyang Wla siya maibigay sa inyo at side mo pa gumagastos , what if nasa Bahay n kayo ng in law's mo kayo pa rin b gagastos? bka kasi wla means si Mr. mo mahirap po yun n dadagdag kayo sa papakainin sa bahay, source yan ng stress at away, stand on what you believe kasi sa huli ikaw ang mahihirapan.. mahirap po makisama sobra kahit mabait in law's mo darating Yung panahon n mapapagod ka parin at ikaw din gagawa sa Bahay kahit pagod kna mag alaga..
Đọc thêmas per my experience... sa lahat ng sinabi mo momsh, naranasan ko. walang gastos si partner kahit nagkano. siguro nasa 5k lang, that time buntis pa ako, pero hindi yun sunod sunod. buwan ang pagitan siguro bago magpadala para sa mga gamot ko. after ko manganak, 1month na si baby dahil kung ano ano sinasabi sakin ni partner na dahil sya kesho ang tatay, i decide na bumalik sa lugar nila. pero walang nangyari. kaya bumalik din kami ni baby dito sa bahay namin, mas comfortable, convenient dahil panatag ako at kasama ko ang family ko na kapag may nangyari sakin, aalagaan nila ako and ang baby ko. iba pa rin kapag tunay na pamilya mo ang kasama mo. lalo na mahirap ang journey ng pagiging nanay. kaya hindi ako nagsisisi na umuwi kami ni baby dito samin.
Đọc thêmAno pong kasabihan yan mommy? Kung hindi pa po kayo maibukod ni partner, dun ka po kung saan ka kumportable. Mahirap maging nanay. Mas maganda kung dun ka muna sa kung saan ka malayang gumalaw galaw kasi mawawalan ka na ng oras sa ibang bagay. Yung kasabihang sinasabi mo, social construct lang iyan. Nung unang panahon pa yan. Di na po uso ang magpaalipin ngayon mommy. Pag sakanila ka tapos hindi ka makatulong, mahihiya ka pa, dagdag stress mo pa yun tapos baka may masabi pa sila. Kung pwede mong maiwasan mga maliliit na stresses na yan iwasan mo mommy for you and your baby. Mahirap madepress.
Đọc thêmOpinion ko lang mommy, the best po talaga na bumukod kayo as a family. Pero if hindi kaya, much better talaga na nasa puder ka ng family mo lalo na pag bagong panganak. Kasi mas maaalagaan kayo at mas convenient. Mas madali makahingi ng tulong kapag may kailangan ka 😊
Mas okay sana kung bumukod kayo, para atleast makapagdesisyon kayo ng partner mo na walang nakikielam.. Opinyon ko lang po, kasi syempre may baby na kayo may sarili na kayong pamilya..
Ang dapat po talaga sa mag asawa bumukod po malayo sa in-laws. You and your husband.. kayo dapat ang magtataguyod sa family na binubuo nyo at di kayo dapat aasa kahit saang side.
kung kaya nmn po bumukod, bukod nlng pero kung wala nmn naibbgay ang side ng partner mo, at kung ok pa dn nmn jan sa inyo, jan nlng.. basta kung saan ka mas komportable.
Kung kaya kana nya ikuha ng place at ibukod, tsaka ka sumama skanya. Pero kung dun lang din sa in-laws mo, I think its better not to (unless kasundong kasundo mo sila).
Mas maigi na pong bumukod, malayo sa mga in-laws. Pero sa tanong mo mommy, depende sayo kung saan mo gusto.
It's always better to leave and cleave. No buts and ifs.