Curiosity kills me 🤔🤔🤔

Dapat bang wag paghandaan ang panganganak? May kamag anak kase ako na pinag sabihan ako na wag ko daw paghandaan ang aking panganganak. Wag daw ako mag ipon ng mag ipon. Kung ano daw meron yun lang. Saakin naman kailan ko pa pag iiponan? Kung kailan kabuwanan ko na? 3months to go nalang. #advicepls #1stimemom #pregnancy #theasianparentph Mali ba ginagawa ko?

62 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Parang pamahiin po yan sis narinig ko na rin yan. Wala naman scientific basis eh. Alam mo naman sis sa panahon ngayon mas importante paghandaan ang mga importanteng bagay para sure at di mahirapan sa oras ng pangangailangan mahirap pa naman manghiram nowadays. Kaya mas mainam ng may ipon.

ung asawa ko, sabi nia dapat ready kami sa ano man.. kaya pinag ipunan nia talaga ung halaga ng cs. kong ma normal man, d may savings pa.. at kong ma cs nman, d may ipon kahit papano.. ei ayun na cs nga ako... at least handa kami, hindi kami problemado kung saan hahagilap ng pera😇

4y trước

Hirap lalo ngayon pandemic wlang mg papahiram ng pera..

Kelangan pong paghandaan, lalo na po hirap ng buhay ngaun, gusto mo ba pagkapanganak mo, wala ka pambayad, mangungutang na lang? Di po ba mahirap ung ganun. Kaya ako habang nsa 3 months palang ako kelangan kung paghandaan kasi di ko sure kung normal o cs atleast nakaprepare na ako.

Thành viên VIP

Naku bat naman daw wag pag handaan? Deserve ni baby pag handaan yung pag labas niya, sa mga gamit niya at ibang kailangan niya. Hangga't di ka nag hihingi sa kanila ng pang bili, why not po diba? Ako nga sige ang bili ng gamit ng baby ko. 6 mos preggy here, 1st time mom 🥰

Thành viên VIP

hala bakit po sinasabi nila na wag paghandaan? maigi nga po na paghandaan un pra incase na may need kayo na gamit or babayaran may hawak na kayo grabe naman po un hnd ata sila excited sa paglabas ng baby mo mommy ngayon lang ako nakarinig ng wag paghandaan ang panganganak.

haha, mommy kng ikaw mismo masasagot mo na po yang bagay na yan, mahirap sumabak ng dika handa. keri siguro kahit di ka mag ipon basta pag dumating sa point na yun siya sasalo sayo. Mommy ngayon palang paghandaan mo na, wag ka papadala sa sinasabi niya sayo.

Same situation mamsh. 😊 5mos palang, nag umpisa nako mag ipon ng funds at ng gamit ni baby. Nagagalit inlaws ko kasi masama daw yun. Wag mo nalang sila pansinin. Ikaw pa din naman masusunod eh. Pamahiin po kasi yun na bawal daw kuno pinaghahandaan.

Hindi naman sila magbabayad ng hospital bills mo, kaya wag makinig. Tsaka dimo kailangan sabihin sakanila na nag iipon ka or ano man gawin mo, nasa sayo na yan. Unless, teenager ka pa at walang kakayanan magdesisyon para sa buhay mo.

Need paghandaan ang lahat.. Wag ka mkinig dun sa ngsabi sayo ng ganun, hindi nman xa ang ggastos s panganganak mo at s needs ni baby mo.. Always expect the unexpected, hindi lahat ng nanganganak ay kaya ang normal delivery..

Mas mabuting mag ipon po kayo..sino ba gagastos yung kamag anak mo ba na yun para sa panganganak at mga gamit ni baby mo? Mas mabuti na yung paunti unti bumibili at nagtatabi ka na ng mga kakailanganin nyo ni baby sa pangangak.