FTM need an advice

Dapat ba inuunti unti na namin pagbili ng gamit ni baby kase february ako manganganak. Ang hirap lalo na gipit pa😔😩#advicepls #firstbaby #pleasehelp #1stimemom

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi Mommy! A friendly advice, Mag unti unti is better than isang bagsakan for me. Minsan kasi you tend to compulsively buy stuff. In my early pregnancy, lagi ako nanonood vlogs ng baby haul and things i regret buying. Kasi dito mo talaga masort out ano ang essential vs extra and for other purposes lang. Much better, gawa ka ng check list then try to filter it kung ano ang need mauna mabili kahit paunti unti. Mamamalayan ko nalang almost complete na pala talaga kung ano lang ang ESSENTIAL. Then yung mga di naman talaga kailangan, pwede na bilihin kapag nakaluwag luwag. I hope this helps. ❤️

Đọc thêm

Hi mamsh. ❤ Yeah, they say it would be better kung uunti- untiin na ang pagbili ng mga gamit ni baby as early as you can (basic things that are needed like bath essentials kapag di pa alam ang gender ni baby, and later on the other stuffs kapag gender has been known na). But I guess, it actually depends. 🥰 Like considering kung kelan may budget na, that's one thing. It's completely fine kung hindi pa muna sa ngayon. For the mean time while sorting things out, enjoy every moment growing that lil' bun, keep healthy, and stay amazing. We got this. 🥰

Đọc thêm

Pwede mo po unti unti na bilihin ang mga essentials like baru baruan po. Ganun ang ginawa ko. Kapag may extra budget tsaka po ako bumili ng iba pa needs ng baby ko. If tight po ang budget, you can ask relatives and friends ng mga hands me down ng mga babies nila. Wag ka po masyado bumili ng marami pang new born. Mas better if 3-6mos and up na mabili mo para magamit ng matagal. Kasi sabi nila madali lumaki ang mga baby. 😊 God bless po!

Đọc thêm
3y trước

Napaka hirap po talaga ng buhay ngayon. Kaya tinanggap ko din po mga bigay ng family at friends na old clothes ng baby nila for newborn. Tsaka nalang ako mag invest ng damit ng baby ko kapag malaki na sya. Dibale po sis, makakaraos din tayo. Pray lang po. God bless!

dapat po,para hindi kayo mabigatan. Ako po inuna ko po mga baru baruan tapos essentials ni baby pero hindi ko po isang bultuhan binibili mga yan kung ano lang po ang sumobra sa budget namin, tapos last na po yung mga may kulay kung alam nyo na po ang gender ni baby. nag start ako mag unti unti 5months tummy ko at next month lalabas na si baby kumpleto na po kami,. ang pinag iipunan nalang po namin yung pang bayad sa lying in😊

Đọc thêm
3y trước

ayan po, hindi po ako bumili ng marami ng baru baruam kasi po 3weeks-1month ko lang po gagamitin, more on onesies po ang binili ko

Post reply image

oo mami ,ako laki ng pagsisisi ko lasi bakit diko binili lahat ng pangangailangan ni baby noong meron pa pambili kampante kasi ako kaya konte lang binili ko yun pala mas napamahal pa gastusin dahil dami pala kailangan sa bby,hays. ang hirap talaga ng buhay ngayon kaya habang may pambli bilhin mo na mami,kasi paglabas ni bb saka ka hahanap kung saan saan ng pambli para sa need niya subok ko yan ang hirap talaga...

Đọc thêm
3y trước

ganyan ako momsh tuwing sahod ni partner saka ako nag oorder at alam ko na din gender mga 6 months din yun.. unti unti na kasi mahirap talaga kapag nagsabay sabay na naku po... mangiyak iyak kapa dahil kapag yung kailangan ni bb paglabas nya na dimo nabili dati tas nagkataon na alang pambili ay jusko po. hirap po talaga... lahat momsh unti unti mamili kana talaga

Feb din po expected due ko. nagunti unti na ko tuwing may shopee and lazada sale. yung baru baruan po, nakabili ako from shopee set na sya 25pcs around 600 pesos lang. jbabyshop yung store. if tight ang budget tingin ko baru-baruan at yung mga towels, diaper ang unahin mo mommy. 1st time mom din here 😊

Đọc thêm

sa amin nga po sa totoo lg kabuwanan kona pero wla pa kung philhealth at ung mga gamit ni baby puro bili ng magulang ko wla din ksi kming budget at kelan lg din nakapag start ng work ung live in partner ko e. kya kapos pa,

3y trước

yung philhealth ko nga nov to dec lng nbyaran ko. since 2020 wala na hulog. ulila na ksi kami kya wala din mhingan nv yilong ang hirap ng gipit na gipit.

Thành viên VIP

Yes Mommy, kung may budget na and pwede na at may natatago sa budget nyo pwede na. Mas maganda na po yung handa just saying para di lalo mag alala na malapit na kulang pa gamit❣️ Godbless❣️

sabi ng Lola ko wag daw pasuotin Ng bagong damit yung baby ko like yung bagong labas ni baby. Kaya humanap ako Ng mga damit Ng baby sa mga friends ko. pero ofcourse sa ibang bagay Bago Naman.

Inunti unti ko din ang pag bili sinimulan ko sa kakailanganin sa hospital kada sahod buminili ako, tapos nag pa sponsor ako ng very very light sa family n friends ko hehehe pandagdag din yun