Gender Reveal (Poll Edition)

Dahil hindi pwede mag gender reveal party ngayon, nag papoll na lang ako sa facebook. ? Nakakaexcite pa rin siya kasi dami din nanghula, kasama na si hubby kasi hindi rin niya alam. Kagabi ako nagsimula sa poll since today ang ultrasound ko. Mamaya ang reveal ko sa kanila at si hubby ang magbubukas ng result. Ivivideo ko siya para kita talaga reaction niya. ? Nakakaexcite kasi ako lang may alam tapos sila tanong na ng tanong. Todo hula talaga. Try niyo din mga mumsh na wala pang gender reveal, pantanggal bagot narin ?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Haha! Ang ganda ng idea mo, mommy! 😁 Nag-iisip isip din ako kung anong masayang gawin para sa gender reveal, lalo na't out of the question na ang parties ngayon. I will keep this in mind 😊