Experience sa OGTT
Dahil FTM..Hindi ko nmn akalain n ganun ang process ng OGTT 3am last n inom ko ng tubig so 11am kinuhaan n ako after, pinainom n nga ung Medic orange n ag sama nmn ng lasa un pla hanggang 1st to 3rd hour pa n tinatawag..Juskoday mahihimatay n ako sa gutom 3pm ung last n kuha ng dugo..sabi ko sknila pg bumagsak n ako paki confine nlng?.Duling n ako sa gutom...
Just had that also last Monday. I am at the point na lagi akong gutom ung tipong kakain na ako ng tao aa gutom hahhaa. So I had 8-hr of fasting then tusok. Then yan, di pa nman ako nainom ng orange flavored juice lalo na un mga concentrate. Tapos di pa gaanong malamig un nabigay sakin so masuka suka ako talaga. Para akong uminom ng sunny orange concentrate na di ni dilute sa water. Then 2 hrs nakaupo lang ako outside lab kasi bawal daw lumabas ng hospital at may nga cases na talagang nahihilo at nasusuka. Sa takot ko ulitin ang test, edi follow the instructions. Kaso after 30 mins ayan na, nasusuka na ako at medyo nahilo, pumayag naman na sip ng water so medyo nahimasasan. Pero awang awa na sakin si hubby talaga kaya nakiusap sya if pede kumuha ng bed sa ER hahhaa para maka-rest ako kaso wala din vacant hahaha.
Đọc thêmButi na lang di ako maselan lahat sakin masarap 😅 kaya di naman ako na stress ng nagpa ogtt ako after nga lang mainom talagang may side effect which is normal naman na nakakahilo at nakaka duwal pero hindi pwedeng masuka so tiis talaga kasi uulit at masasayang fasting at doble bayad syempre.. sa mga magpapa ogtt pa lang po mas maganda sa gabi kayo mag fasting para di kayo magtiis ng gutom 8-9hrs usually di rin pwede mag over fasting tapos agahan nyo na lang sa diagnostic clinic kinabukasan ako 6am noon nagpa schedule na talaga ako ahead of time
Đọc thêmHihi...ako po 2 times nag repeat...nasuka ko kasi...kaya naman pag iinumin po..inisip ko na para xang plus ung nka tetra pack..hehe..kaso sa sobrang tagal every 1 hr./ 3 times kukunan ng dugo..1st 1 hour plng nsuka ko na.....hindi tlga sanay uminom ng ganun kaaga tapos wala laman ang tyan..😅😅😅 Naawa na ung nurse...note nlng daw nila sa result na nagsuka ako..😅😅😅
Đọc thêmkaya nga nung sinabi saking bawal matapon ko uulit..pinipigilan ko..napapailing nlng ako kada inom e😅
Ako 10pm yung last food intake then 6am nagstart na ogtt. By 9 am tapos na ako sis. Ibang brand yung sa qualimed binigay parang mas milder sweetness kesa sa royal. Masarap sya actually kasi supercold nung pinainom sa lab. Nag big breakfast talaga ako after plus icecream kasi super gutom!! Thank God ok naman results.
Đọc thêmbantay nga ako nung mga nsa lab..kala ko ok mabango e..un pla pg tikim ko iba nde na maintndihan lasa
Naalala ko nung nag ogtt rin ako, sobrang gutom ko na rin nun hahaha. Mga 10pm last kain ko. Tapos 2pm na kami natapos sa test kasi late akong dumating. Sabi pa nung kumukuha ng dugo saakin, ako lang daw yung bukod tanging di sumuka sa pinainom at di nahilo. Hahahaha.
Grabe experience ko ayaw ko na umulit sa OGTT. muntik ako nahimatay after. Pinawisan ako ng malamig.. Grave buti nakapasok ako sa CR, sumama din tiyan ko.. 😔Mabuti normal naman result pero ayaw ko na umulit.. Haha may okay nlng ako e. IE hahaha
Pinainom din ako nyan. Mahhimatay din ako sa tamis tapos bawal ka uminom ng tubig for 3 hours. Tapos naka pasting pa ko. Tapos mahhimatay pa ako sa mhal nyan. Almost 1k hahahahahahaha. Gutom na gutom ka na tapos ang tamis tamis ng pinainom sayo. Hahaha
oo sis mahal ang lab dto..ultra ko nga makabutas din ng bulsa tas times 2 pa byad lagi..kasi kambal..
Ganyan dn ako, halos isumpa ko ung lasa nyan hahaha.. Sa manila doctors ako nag pa ogtt in 5mins kailangan ubos mo na ung isang bote as in simot n simot.. Sama ng lasa, tapos sobra gutom mo.. Hilong hilo ko nun 😟
inorasan nga ako within 10mins daw ubos..ayun nkabantay sakin..bawal pa matapon😂
Ganun tlga Sis pg ogtt kse chincheck ng doctor if bumababa ba sugar level mo tapos icorrelate nia ung fasting sample result nd 1 hr and 2nd hr mo.Tiis lng kse need mo yn para mlamn if diabetic ka.
Naku momsh. Dahil yata sa pagkahilig ko sa matamis eh nanghingi pa ako sa nurse. Haha. Nung 2nd time na kukuhanan na ako ng dugo sabi ko kuya wala ng juice na iinumin? Haha. Sa uhaw at gutom na din 😂
Buti kpa momsh..ako nabanguhan lng pero pg tikim ko..aruy bat my pait sa panlasa..hahah
Momma of Twins