Tanong ko lang po, nararamdaman nyo po ba yung heartbeat ng baby nyo sa tyan?
Nope po, ilang layer yung taba natin sa puson, so malabong maramdaman. Tsaka di din po totoo na mararamdaman ang hiccups, sabi ni OB baka daw po yun yung ugat natin. Which ia true, kasi nung na CS ako, gulat si doc maugat ung tiyan ko 😅
mii ang buntis po malakas ang pulse rate natin sa buong katawan☺️ try niyo po pakiramdaman like idikit palapulsoan mo both hands. if may nararamdaman kayo sa tummy parang beat, pulse po yun.
pag yung pitik na tuloy tuloy. ibig sabihin sinisinok si baby sa loob. never po mararamdaman ang heartbeat ni baby sa paghawak lang sa tyan naten.
momsh nung ako din nasabi ko sa ob na parang may nararamdaman ako mga pintig, ansabi saken pulse daw yun nung round ligamens naten
hindi mi , movements nya lang po pag malaki na sya. kung may nararamdaman kayong pitik hiccups nya po yun ☺️
never pong marardaman ang heartbeat ng baby sa tyan. naririnig po ito gamit ang doppler or stethoscope.
hindi po mii.kung may nararamdaman ka na parang pumipitik pitik hiccups Yun ni baby.hehee
mga 6mos start
no po…