Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia

May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom

Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
80 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

All my pedias nag sasabi sakin na if wla budget my libre sa center iisa lang naman gamit namin, Grab nio nadin kasi malaking tulong yan save kapa ng malaki. minsan nga mga pedia ng anak ko nagbibigay ng libreng gamot pag alam niyang medjo gipit ako pag nagpa check up sa mga bata. my mga pedia talga na ganyan eh. Nilalagnat nmn tlga ang bby pag na injrctkan pero mild lang naman yan. Nawawala lang Din po yan.

Đọc thêm

hi po mas may chance tlga maglagnat ang sa center na bakuna. kaya mahal sa mga pedia private kasi iba ung vaccine nila compared sa brgy. pero di naman nila discourage kung wala tlga eh. kaso parang nagpapaconsult or nag aask ka ng help sa doctor mo.. buti nga nagreply sau. kaya sabi nya telemed ka na lng kasi mas mabibigyan ka nya ng focus. kaharap din ang records nyo. kaya wag sasama ang loob mo mommy.

Đọc thêm

normal lang naman na lagnatin ang bata pag binakunahan. alagaan mo lang ng paracetamol pag nilagnat si baby tpos hot compress beb sa legs na my bakuna or braso . may pedia din naman na hindi ganyan kamahal maningil . sa sobrang hirap ng buhay ngaun dapat maging praktikal tayo . ok din naman ang center pero iba parin pag pediatrics ang titingin ky baby . marami dyan sa hospital mas makakatipid kapa .

Đọc thêm
Thành viên VIP

Di naman po nilagnat yung baby ko nung pinabakunahan sa center 😅 though may tendency po talaga makalagnat yung ibang bakuna depende po yan sa magiging reaction ng katawan ni baby. Pero wala naman po kinalaman kung sa center or hospital galing yung bakuna. Nakakaloka naman yang pedia na yan. If makakahanap ka ng ibang pedia mumsh hanap ka nalang ng iba. Yung legit na concerned at aalagaan si baby mo.

Đọc thêm

Sad but true.. Pera na ang labanan ngaun.. Sa side naman kc ni Doc which if meron talagang bayad.. Professional fee.. If di kaya nang buget wag ipilit.. Marami naman diyan na mas mura na pedia.. Ok din sa center.. Natural lang naman na lagnatin ang bata.. Search sa Google or fb.. And ask sa mga friends and family.. Praying na makahanap kayo nang pedia na mas ok and kaya nang buget. 😊 ❤️

Đọc thêm

Same lng po vaccine na binigay ng hospital at health center. Yung hospital na pinanganakan ko advised na sa center nalang daw dalhin si baby dahil mas malapit sa min at malayo sa covid compare sa hospital. Yung lagnat po normal lng yan, depende lang po sa katawan ng baby. Pero kung hindi po baba yung lagnat within 24 hours consult mo na sa doctor. At saka magpalit ka na ng pedia.

Đọc thêm

hanap na lang po siguro kayo ng ibang pedia. ung pedia kasi ni baby namin, sumasagot po sya ng maayos sa messages namin kahit di kami nakabook ng consultation. sya din po nag eencourage samin na sa center ipabakuna ung available dun kasi same lang un ng sa doktor. ung wala lang sa center ang nireremind nia na ipabakuna sa doktor like ung rota. sobrang bait din nung pedia nia.

Đọc thêm

Better humanap ka ng ibang pedia na talagang concern na pasyente nila like pedia ng anak ko since birth sya na pedia nya until now na 17 yrs old na sya din kasi iba ang bonding kapag alaga ang baby natin ng doctor nila. 2nd baby ko sya pa din pedia at etong nasa tummy ko sya pa din kukunin ko.Taga saan ka ba mi, Dra. Aumentado sa baby ko from Calamba Laguna po.

Đọc thêm
Thành viên VIP

grabe naman, natural naman mag lagnat ang baby kapag naturukan siya kasi lumalaban yung gamot niya rin sa katawan, hindi naman lahat ng gamot eh nilalagnat at grabe naman yung singil na pedia mo, ang normal temp. 36.5 to 37.5 at hindi normal na temp is 37.6 to 39 pataas po. hanap ka na lang bagong pedia mo sis yung mabait at hindi abuso. ingat lagi kayo

Đọc thêm

Hello momsh! Oks na oks lang po magpabakuna sa health center, based on experience na din po. I have 2 kids na ages 8 and 6 both naman sila sa health center ko lang pinabakunahan kase libre at may bakuna tlgang nkkapagpalagnat pero wag ka magworry since normal po yun basta monitor lang temp ni baby at paracetamol dpat lagi kang meron. :)

Đọc thêm