Hello po mommies, mag ask sana kami ng opinion ng iba about sa pedia
May concern po ako sa pedia ni baby. Initially po kasi around 11k po yung singil ng new born vaccines samin per mos, di naman po kaya ng budget so dinala namin sa center, may consent naman ni doc. Ngaun po nilalagnat si baby and nag ask ako ng help ni doc pero seen lang, 2nd msg ko, ang sinagot po sakin is kaya daw nilagnat kasi sa center ko pinabakunahan, and bago dw sya mag answer magbook po muna ako sa telemed, may appointment po sana ako with this doc on Sunday para sa rota ni baby pero prang nag hehesitate nako kasi prang aalagaan nya lang kami kung may money kami. Gusto ko po sana ng pedia na forever na, hanggang adulthood ni baby pero d ko masyado na appreciate yung response samin or baka mali lang din ako, Let me know po if I'm being unfair lang din po or of its time to find another pedia and if may ma rerecommend po sila na pedia, super grateful po kami, location namin is sanjuan city metro manila. #advicepls #pleasehelp #firsttimemom #firstbaby #1sttimemom
Hello, 37 is normal po, 37.5 is still normal din. Kapag 37.8 that is when you can give paracetamol. Lipat ka po ng ibang pedia kung kanino po kayo mapapanatag. Sana may moms dito na same area mo so they recommend sa iyo. :) I did the same, my baby had a different pedia nung nanganak ako. Sa ospital pa lang after birth, hindi ko na siya bet. Iba ang aura, pero mabait naman magsalita. Basta parang hindi namin siya feel ni hubby. Bumalik pa rin kami sa kanya for follow up check up ni baby. Ganun pa rin, di pa rin namin talaga siya bet kahit ang bait niya naman magsalita. Iba eh. I remember we had a concern din sa eye ni baby kasi may red dot sa puti ng eyeball so I texted her. Ang response sa akin ay yung link ng online consultation niya.🙃 P500 agad yun, yun lang concern namin. So I messaged my pedia friend about it and sent a photo, and she said normal lang yun at mawawala naman ng kusa. Kaya I decided na ilipat baby namin sa pedia friend ko. Now my baby's pedia (the new and current one) ang nagsabi na kunin sa center yung mga meron doon dahil libre. I trust her so much dahil una, friend ko siya, pangalawa, pedia siya sa health center ng bayan nila at nagbabakuna siya doon. Kumbaga, alam niya na ok lang yung mga bakuna sa center. Ang tanging explanation lang naman niya eh mostly sa 5in1 sa center mas malapot kaya mas mahapdi for the baby, pero from center o private naman may chance na maglagnat talaga kaya may reseta na din siya agad for me na nakahanda kung kailangan. Ayun, I did not like the response din sa iyo, and you deserve to be treated well din and not feel bad. So I hope you find a warm and understanding doctor.
Đọc thêmHello mommy! Nakakalungkot naman makabasa ng ganito. Share ko lang mi, ung pedia ni baby sya pa mismo nagrecommend na kung available sa health center ung vaccine is doon na lang since medyo pricey nga daw ang vaccine kung sa pedia. Grateful kami napadpad kami sa pedia ni baby dahil after every wellness check up ni baby, lagi nya kami nireremind na if may concern pm lang kami sa viber. And thankfully lagi sya nagrereply without any charge. Pag may sakit si baby isang message lang, nagrereply sya, nagaadvise kung anong dapat gawin and nagpeprescribe ng medicine based sa symptoms na sasabihin mo. If hindi talaga kaya thru pm he will advise if need matignan sa clinic. Sayang mi kung malapit lang kayo sa clinic nya sa QC which is The Queens clinic (Doc Ace) is his name. I highly recommend him and the clinic. Mi I suggest try to look for another pedia na may care talaga sa babies, iba pa rin kasi talaga ung may passion sa profession nila not just about money. Hoping na makahanap kayo ng pedia as nice and passionate as our daughter’s pedia.🙏🙏🙏 Fyi mi, normal reaction ng babies magka fever due to vaccines. Yan din ang sabi ng pedia namin. Kahit tayo nga adults nagkakafever pa rin pag nabakunahan 😊
Đọc thêmShare ko lang sagot ng pedia ng anak ko, hindi naman niya kami dniscourage na i avail ang health center vaccines, in fact, sya pa nga nagsabi na i avail ung mga un kasi syempre as tax payers, need natin pakinabangan ung libreng bakuna ng gobyerno. Sinabi lang niya na pag may mga bakuna na wala, meron sya at nasa amin un kung gusto namin pa book si baby for shots. Nag bigay din sya ng pricelists. After namin ma avail ung bakuna sa center, (which lahat ng shots niya doon, nilagnat sya). Sabi niya, usually nilalagnat talaga pag bakuna sa center dahil sa WAY NG PAGTUSOK NILA. Sometimes sa dami ng binabakunahan, bara bara lang ang tusok, minsan may natatamaang mga ugat kaya nilalagnat. Which i believe is true, dahil with care po talaga ang turok ng bakuna from pedia, madami din ako inavail na vaccine sa pedia nia at di naman sya nilagnat. Baka yun po ang difference aside sa may mga bakuna talaga na lalagnatin ung bata as side effect. Yung di naman po nia pagbibigay ng advices sa inyo thru text, it is because paid po ang services nila, if you want their professional opinion, need niyo po sila i book thru telemed. But when in doubt, change pedia. After all, health ni baby ang nakasalalay.
Đọc thêmHello po mamsh, natural lang po yung lalagnatin si baby pag magpa vaccine kase effect yun ng vaccine kahit nga tayo nung nagpa vaccine tayo nilagnat tayo pano pa kaya sa babies, wag po kayo masyado matakot kase effect lang po nung vaccine yan at mawawala rin yan 1-2 days. kung hindi kaya financially mamsh wag ipilit. okay naman po yung mga libre na vaccine sa center. mas makakatipid pa po kayo. nag ask po ako sa mama ko nung ako daw po yung maliit tlgang sa center po kami ponapavaccine'n. yung wala sa center yun nalang sguro yung papavaccine sa pedia mamsh. regarding naman po sa pedia niyo, ganyan po tlga sila. kelangan munang consultation at magbayad bago nila i check si baby. kung gusto niyo po ng libre, sa center nalang po kayo mag pacheck up kase ako sa center din ako nagpapacheck up pag nagkakasakit anak ko. i am a professional teacher po pero okay naman kung sa center, doctor din naman ang titingin sa kanya dun. pero kung financially stable kayo, pwede kang humanap ng pedia na mas matitingnan si baby
Đọc thêmhi, as a nurse, here are my thoughts: 1. normal lang ang temp ng baby mo. wlang fever ang 37. 2. allowed k po tlga magpavaccine san mo man gsto 3. NORMAL lang po na mamaga ang site and/or magfever after vaccination (public man galing or private) kaya bgyan lang ng paracetamol. if may concerns, why not have ur baby consulted sa health center again? 4 hindi po libre ang serbisyo ng dr. and what you're doing is a form of consultation kaya dpat syempre magbayad ka ng consultation fee kng gsto mong iaddress nya ang concerns mo. kaya ka cguro nya tinuro sa teleconsult kasi yung gnagawa mo ngayon is a form teleconsult na rin pero unfair nman for your dr kasi hndi ka nman nagbayad. 5 if hndi po afford ang private dr, magpacheck nlang sa health center para libre or maghanap ng mas mura ang charge pero mahihirapan kayong makahanap nyan kasi sa bakuna plang, usually mga branded amg gamit nilang gamot kaya mas mahal, habang sa health center ay generic at hati hati ang lahat kaya libre.
Đọc thêmHindi reliable yang pedia mo. Money talks lang. Money matters. Panget ng sistema nya. Kakahiya naman sa oath na sinumpaan nila kung puro pera lang pala. Better look for other pedia. Karapatan mo naman yan as parent na magpalit lalo if ganyan ang treatment. Regarding sa mga vaccine naman na wala sa center. Usually pwede ka makipag usap sa knila kasi karamihan sa kanila e meron naman contact sa mga med rep then they'll order for you. Sa panganay ko dati private pedia talga kami pero nung na feel ko na lagi syang nagmamadali bawat consultation and vaccine namin then may nag refer samin sa center, nag try kami don then nagustuhan naman namin yung service samin ng center hanggang sa dun na namin kinukuha lahat ng vaccine ng panganay namin nagbabayad nalang kami. So far so good. 3y.o na ang panganay ko ngayon. Then this November due ko sa 2nd namin sa center ko nadn sya balak pabakunahan ng lahat lahat.
Đọc thêmtalaga pong may mga bakuna na sadyang lalagnatin ang bata kahit pedia namin sinasabi na lalagnatin ang bata sa bakuna. hindi porke sa health center binakunahan kaya nilalagnat, hindi din porke sa private binakunahan ay hindi lalagnatin. kahit nga yung mga bakuna na hindi nakaka lagnat sinasabi pa rin ng pedia na baka lagnatin e at mag abang ng paracetamol drops in case lagnatin. kasi iba iba ang immunity ng mga baby. ikaw man matanda injectionan ka pag hindi ka sanay or maselan e kahit di naman nakaka lagnat minsan nalalagnat pa din or nag titigas yung braso causing para sumama pakiramdam natin. ganun din sa baby syempre ang liit liit pa nila kaya konting tusok malaki ang impact sa katawan nila. yung pedia na ganyan pera pera lang. yung ibang private pedia nga e sila pa nag sasabi na sa center pabakunahan ang baby. una libre, pangalawa kasama benepisyo natin yan.
Đọc thêm37 po ay normal temperature pa po yan. 37.8 yan na po yung nilalagnat na ang baby. :)
ang pedia ni baby mismo ang nagsabi na kung meron din sa center namin dun nalang painject yung wala sa center sa pedia painject. kasi parehas lang ang ituturok. like yung rota pricey yun and wala sa center nun. in case naman na nilagnat si baby, ganyan po talaga pag galing sa inject minsan nilalagnat. minsan naman hindi din, maging center man or pedia. pero kung yung pedia mo is pera pera lang naku mamii marami dyan na pwede maging pedia ni baby, ganun din naman by appointment talaga. kung bet mo vip yung every tatawag ka at available na araw ka magpunta syempre iba bayad nun sa reg check up. ganyan talaga minsan kung sino yung may pera sya ang priority. alam ko yan dahil kahit by appointment kami maaga kami magpunta may mga dadating tas mauuna pa papasok samin. hahaha parehas lang naman ituturok nila, treatment lang pagkakaiba. you know money.
Đọc thêmaba ayos si pedia ah. may na encounter din kami na ganyan before. alam naman namin na big deal ang vaccines pero yung pedia na yun kada pacheck up namin yun talaga concerns nya pa vaccine complete sa kanya at ang mga reseta lagi yung doon mo lang makikita sa pharmacy nya. nakakahiya nga pa check up doon kasi kapag nakikita nya na yung vaxx ni baby e yung mga libre lang sa brgy umiiling sya. nung nakuha ko HMO ng anak ko oumipat na kami pedia, unang check up pa lang ang tanong ni pedia kung napabakunahan ba daw kahit sa BHC. natuwa naman sya nung nakita nya na complete sa Brgy anak ko. tyaka matagal din magcheck up daming tanong at kwento. di sakitin ang anak ko Thank God. tagal nya na wala visit sa Dr. 4yo na sya minsan anak ko na nagyayakag sa doktor kahit konting gasgas lang. pili po kayo ng iba kung meron. ❤️
Đọc thêmso sad sis hanap kayo ng ibang pedia. Hnd nama porket sa Center nagpabakuna lagnatin agad. Depende padin yan sa body reaction ng bata. Sorry pero mukhang pera yang Pefia nyo. SKL ang pedia namin nagsuggest na ivaccine muna sa health center eldest ko pra makatipid daw kami. Nung after namin ma-avail ung free vaccine sa center lipat na kami sknya ito tpos na puro booster nalang kami kahit mahal tlaga.wala nga lang sya teleconsult pero since malapit kmi sa clinic nya nakakapunta kmi agad for consultation at wlaang ganyan na parang pera pera lang. Bihira tlaga sis makahanap ng Pedia na may care tlaga sa anak natin. Kaya ako kung saan ako panatag na Pedia/Ob dun ako kahit mahal. saka sis anong vaccine ba ung 11k na yan? Isang anak mo lang ba?
Đọc thêmcenter or pedia vaccines are just the same as per my pedia. as much as possible, ung 1 year vaccine ni baby sa center daw Sabi ni pedia kasi nga free. normal lang din po na lagnatin si baby due to vaccine.