cerelac for 4 months old
cnu dito ngpapa kain ng kanilang baby na 4 months old pero nakahiga.. masama po ba yun? pero may unan naman siya sa ulo dilang ganun ka elevated.. advice naman dyan mga mums... anu po ba ang tamang eating position sa ganyang edad?
Halla grabe naman. Hindi normal kahit sino pakainin mo ng nakahiga lalo na baby pa 🙄 Tsaka pag baby gatas muna gang mareach niya yong six months pwede na pakainin. Yong pamangkin ko nga kahit gatas palang ilang unan na pinauunan ng mommy niya tapos medyo nakaside siya para di daw matubigan baga niya pag sobrang straight siya nakahigang mag gatas kasi masama daw yon tapos ikaw papakainin mo ng nakahiga pa pano kung di niya malunok o bumara sa lalamunan niya 🙄 Dapat iniisip mo yon. Ayst. Goodluck nalang sayo sis.
Đọc thêmMay mga bagay na di na kailangan itanong. Just use your common sense. Apply to yourself kung puede ka kumain ng nakahiga. Comfortable ka ba? Makakabababa ba ung pagkain or madadigest. And please po start with solids when baby reaches 6 months at small quantity lang po. Same food at least for 3 consecutive days para alam natin kung magkaron ng reaction or allergy, madali natin matukoy kung anong food un.
Đọc thêmtry nyo po kumain ng nakahiga ano po kaya maramdaman nyo? di ba nabubulunan, hirap huminga? ganun mangyayari sa anak mo pag nakahiga pinakain mahirap nya baka yung iba mapunta pa sa baga. Mommy gamit po tayo minsan common sense lalo pagdating sa bata. Alam ko po medyo harsh at pasensya na, nainis lang ako sa part na kelangan pa itanong ang ganyan. 6months po pinapakain ang baby at nakaupo or kalong nyo.
Đọc thêmExcited kananga pakainin si baby nakahiga pa! Sa cerelac naka lagay 6months di niyo po ba nababasa! Anyway prob napo yun nasa inyo kung maaga niyong pakainin sana naman huwag nakahiga maawa ka naman! Huwag na tayong tanga sa panahon ngayun! Peeo parqng hindi tila mas madaming nagiging ganon! Ikaw pakainin kng nakahiga tignan ko kung malukon mo ng maayos baka mabilaukan kapa!
Đọc thêmTama! Ewan koba ang hirap sa ibang magulang na maisip yun! Obious naman na masama yun itatanong pa.
Try mo po kumain ng nakahiga. Kaya mo po ba? Hindi po diba? What more ang baby? Hindi kayang mag reklamo niyan. At 4 months palang po. Sobrang baby pa. Hindi pa fully developed ang internal organs niya para sa solid foods. Walang ibang kailangan ang baby kundi gatas pag wala pang 6 months. Pagkasapit ng 6 months, saka ka magpakain tulad ng prutas at gulay
Đọc thêmFor me, it’s indicated nmn po sa cerelac na for 6months old na baby dapat po tlaga sudin yan din advice ng pedia ni baby samin 6months papakainin si baby. At momsh, same kAyo sa mother in law ko pinapakain nya yung isa nyang apo noon daw with that nakahiga position pro never ko inapply sa baby ko kasi alam ko hindi yan right position.
Đọc thêmilang beses ko na pinaliwanag sa mother in law ko na wag pakainin ng nakahiga ayaw nea makinig sa akin.. kaya ako ngtanong para mabasa nea eto at ng matauhan na siya ng argue na kami once ayoko na maulit pa.. dami na daw nea inalagaan mula anak hanggang sa mga anak ng pamankin nea wala naman daw nangyari..
Diba po kahit sa hospital or lying inn palang lagi na ni reremind na bawal pa dedehin ng nakahiga? Lalo na po kung pakakainin na nakahiga. Pwede naman po kargahin niyo. Mahirap po ba yun? Kung magka pneumonia yung bata iiyak iyak kayo?
Aspiration pneumonia labas niyan kung di mo i co correct yan
Its a big no Mommy, if si MIL ang nag insist of ibang tao lagi mo iisipin sino ba ang nanay? Safest stage ng pag iintroduce ng solid kay Lo is 6months po and much better un mga mash fresh veggies. Cerelac is consider junk foods.
Go Mommy kaya mo yan 💪 Lahat tayo may mga problem ata talaga sa mga oldies in terms sa pagpapalaki ng mga baby natin. Masyado sila excited kaloka.
Nako delikado po yan. Prone to choking at aspiration. Tsk. 6 mos po bago papakainin ang baby, mag antay nalang kayo kasi habang buhay naman kakain yan. Dapat nakakakaya niya na ang leeg niya at nakakaupo sya.
Right time ngbpakain is 6 mos pataas mommy. Pag padede nga po ng nka higa hindi advisable eh. Wag mo na sana gawin mommy ng nka higa c baby kawawa sya.. even elevated position. Wag muna po