My birthing story 💖
For this child, I have prayed. 💖 Dob: Sep 16 Edd: Sep 18 My baby is 3 kilos / vaginal birth / induced labor Sep 15, 9:00 start na pumutok panubigan ko, immediately as advised ni ob admit na. Then punta nako with my ob's admission slip kasi sa public hospital ko gusto manganak para ma-normal ko si baby. Pagdating dun 2cm pa pag ie. Until 5 pm na nung napasok nako sa labor room dun na nagstart ang sakit dahil ininduce ako. Mabuti na lang 3-4 minutes nakakapahinga pa ako at balik ulit ang sakit. Kahit ano talaga preparation ko noon pa exercise, food, eveprim and long walk,, wala pa rin effects sa akin. Sep 15, from 6pm to 11:00 am ng sep 16. Tiniis ko talaga ang sakit, iba sa public hospital kasi dapat 9-10 cm ka bago makapunta sa delivery room. Talagang patapangan. Hehe. Nagalit pa ang robing ob sa labor room kasi sa delivery room na midwife ayaw pa tumaggap kahit 9 cm na. Nung pag ie ni doc, sabi ko di ko na kaya, lalabas na po siya. Ang sarap na umire. Kaya yun diretso sa delivery room. Pero pagdating dun wala pa ang ob, kayat pinahiga ako sa left ni midwife at ire lang daw para lumabas si baby paunti. Haha interview portion pa dun. Mga 20 minutes din ako naghintay at ire. Sep 16, 1:00 pm dumating na si ob. Diretso sabi niya malapit nato. Kaya yun fundal push ginawa niya, si midwife nasa harapan ko. Umire ako na hindi maingay, hawak ang legs at aahon tuwing iire daw. Mga 25 minutes lang nailabas ko si baby. Na feel ko nung hiniwa na ni midwife at push lang si dok kaya yun di na ako huminto ng ire. Worth it. Sabi ko sarili ko, salamat LORD. 💖 Talagang natutunan ko na pag hilab wag sabayan ng iyak o ingay, breathing technique ginawa ko, inhale and exhale. Kahit nandun si partner, sarili sikap talaga. Thank God din kasi wala excess sa hospital. Napakabuti ni Lord. 💖 Salamat dito sa app nato kasi marami akong natutunan. Kaya't tibay at tapang sa mga mommies na malapit na manganak 😊💖 Kaya po ninyo yan.
God is with us, baby boy!