Mom-ster in law

Buntis ako. Need ko talaga magpahinga dahil nakunan na ako isang beses pero hanggat kaya ko nagtatrabaho pa rin ako dito sa bahay para matulungan asawa ko dahil lagi siyang pagod sa trabaho. Pagkatapos malaman laman ko sa bilas ko na may sinasabi biyenan naming babae na lalo ako tinamad nung nagbuntis ako at nag-asawa na lang daw anak niya, yun pang alagain. Take note, naka-bukod kami sa kanila at wala siyang alam sa mga ginagawa ko dito sa bahay. Ang gusto niya yata magtrabaho ako nang magtrabaho dito sa bahay. Osige magtatrabaho ako nang magtatrabaho dito sa bahay pero kapag nakunan ako ulit, hindi ko na siya gagalangin at ibubuhos ko lahat ng sisi sa kanya. Nakaka-stress! Kapag nakaharap asawa ko ang bait niya sakin kaya ang asawa ko minsan hindi naniniwala sakin dahil sa pinapakita ng mommy niya kapag nakaharap siya. Kahit mga manugang niya, ganyan talaga trato niya pag nakatalikod kami. Pero mga anak niya di niya kahit kailan nasabihan nang di maganda.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Dedma na lang po sa sinasabi ng iba. Medyo nakaka asar pero mas kailangan alagaan si baby kaya wag padala sa stress sa sinasabi ng iba. Think happy thoughts para wag mastress si baby