Share ko lang...

Bumili ako ng Baru-Baruan ni Baby isang set na yan. Gusto ko kasi panglingguhan kaya tig 6pcs. yan. 1890 lang yan sa shopee. Kompleto na. Tapos sinabihan ako ng nanay ko na nag aaksaya daw ako ng pera hindi naman daw yan magagamit lahat. Ang gusto nya kasi mangyari manghiram na lang ako. Tapos nung nakahiram sya kulang kulang. Ngayon parang nawalan na ako ng gana mag add to cart at umorder uli. Hirap din pala ng nasa poder ng magulang mo kasi parati syang may sinasabi at gusto sya lagi nag dedecide para sayo. Baka nga pagkapanganak ko e buhay ng anak ko naman ang kontrolin nya. Tapos hindi ko na mapangaralan anak ko. Hindi naman kami makaalis dito kasi kahit papano yung asawa ko nagkakaroon ng hanap buhay dito both parents ko may business doon naman sa kabila sa poder ng asawa ko hirap din sila kasi walang business parents nya mga kapatid lang ng asawa ko nagwowork sa epza/bacao pero tahimik buhay ko kasi dalawa bahay doon. Sa isang bahay kami nakatira nung wala pang pandemic. Hindi kasi mabunganga yung nanay nya di tulad ng nanay ko. Kaso nung nalockdown di na sya makabyahe ng ayos sa tricycle kulang na kulang yung kita nya kaya lumipat kami dito. Hays diko na alam nasstress ako pag tuwing may sinasabi sila sakin. Yung bang gusto iblock yung mga gusto kong gawin na ikakasaya ko.

Share ko lang...
100 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

for me nsa rigth nman po ang parents mu. Aqu kc gnun din gusto ung humiram n lng ng baru baruan kc sobrang saglit lng yan magagamit ni baby. mabilis kc lumaki ang mga baby. Gusto qu rn ung ibibili quh ng baru baru eh mga sando n magagamit ng matagalan. 😊 Peo kng jan k nman happy momsh. okey lng dn nman. ngiging praktikal lng cla para sau. Kc alam mu nman ung buhai nten ngaun dahil s pandemic.😊. As long as happy k okey lng un..para nman ky baby mu. Godbless momsh

Đọc thêm
Thành viên VIP

Wala nmn po masama sa suggest ng mom mo kc sa panahon ngyon kailangan maging wais na tau aq isang beses lang ata umorder sa online karamihan kc bigay lang kaya mas ok skin nakatipid aq imbis na bumili aq ng marami pinaghahandaan q ung 3 months up ni baby kc mabilis lng nga cla lumaki ngyon kaka 2 months nya lang ndi na kasya karamihan ng damit kaya sayang nga lang..wag k ma stress ngitian mo lng mama mo katuwang ntin yan eh be thankful at may mom tau 😊🙏🏻💜

Đọc thêm

Siguru sis, bilhin mo nlang kung ano yung kulang na gamit ni baby. Iba talaga yung feeling sis kapag namimili ka nang gamit kay baby. Parang gusto mo bilhin lahat. Hehehe, nweiz, sa set sis, may mga bagay talaga na di magagamit once nandyan na si baby gaya nang bigkis. Di q xa nagamit. Tapos yung mittens and booties mas prefer q yung garterize pala. Then pandemic ngayon so medyo dapat wais tayo sa money spending. If gusto mo tlaga bilhan si baby, yung tig. 3 sets nlang.

Đọc thêm
4y trước

Mas gusto ko kasi yung tie para na aadjust kung sakaling sikip sa kanya para hindi naiipit yung balat nya.

Sana all nasa poder ng magulang 😢 ako kc may sarili kaming bahay ng hubby ko ngayun gusto kuna papuntahin nanay ko dito first baby kc namin... Hindi sa natatakot pero mas may tiwala kc ako sa nanay ko... Kaya naman namin pero mas may alam ang nanay ko... Due ko is Sept. Sana maka uwi sila dito samin bago ako manganak na postponed kc nag love lockdown nanaman... Kung pwede lang ako na uuwi sa kanila umuwi nako 😅 ma swerte kapanga sis may gumagabay pa sayo

Đọc thêm

Tama naman nanay mo...sandali nya lng magagamit yan at di lahat nyan magagamit ni baby..ganyan din ginawa ko kompleto tas sinobrahan ko pa yung iba..pero di naman nagamit lahat at ang bilis lumaki ng baby ngayon kaya mabilis kakalakihan ng baby yung mga barubaruan..saka di nmn all the time ganyan nanay mo..promise malaking tulong din ang mga nanay nten lalo na pagkapanganak mo..pero di rin dapat lagi sila ung masusunod..kumbaga sila lng umaalalay saten..

Đọc thêm

I feel you momsh. Mama ko dn lagi my nasasabi. Pro sabi ko sakanya wala nman masama kung gusto nmin bilhan ng mga gamit ang baby nmin. Sagot na lng nea kumayod dw kmi pra my pambayad sa mga binibili/inoorder nmin for baby. Pti sa pag aalaga nmin kay baby dami side comments c mama, kunting ano lng my masasabi na agad tulad ng d dw kmi dapat nag asawa kung ganito ganyan kmi. Minsan gusto ko na dn sagut-sagotin pro nagtitimpi nlng. Nkikitira lng kmi eh.

Đọc thêm
4y trước

*na hindi sya masaktan

ganyan din ako nun sa mama ko lage kame nagaaway. dun kasi ako nagstay sa kanya nung nanganak ako sa first baby ko.nasabi ko pa sa kanya na parang wala nako ginawang tama. pero dito sa second baby ko, at nakabukod na kame, gusto ko ulit bumalik sa kanya pag nanganak ako. kasi kahit makuda sya, inalagaan naman nya ako at mothers always knows best. ngayon ka lang maiirita pero later on mamimiss mo yan pag di mo na sya naririnig.

Đọc thêm

ganyan lang talaga ang mga nanay mamsh. Ganyan din mama ko, nagrereklamo bakit daw ang dami kong pinamili for the baby eh di naman daw magagamit ng matagalan. Ang mganda lang is nasasagot ko ng pabiro mama ko... sabi ko "ma, kulang pa nga eh. don't worry may parating pa na bagong orders". Tapos sasagot sya ng "at bahala ka nga" pero pag dumating ang order mas excited pa sya. Intindihin mo nalang mamsh, ganyan lang talaga sila.

Đọc thêm

mommy okay lang naman po lalo na sa mga first time mommy. takvang nakakaexcite mamili ng gamit ni baby. siguro mukhang madami sa paningin ng nanay mo. pero kasi hindi naman isang araw isang damit lang. baka makagamit ka pa ng dalawa hanggang tatlong palit ng damit ni baby. siguro medyo lakilakihan mo n lang yung size. kasi ang mga baby every month lumalaki sila. para hindi masayang.. GodBless you baka practical lang nany mo

Đọc thêm

Momsh, tama po si nanay. Pinagdaanan na po kasi nila. Nagsisi din ako dati sa first child ko andami ko nabili gamit tapos gang 1 month lang nagamit mga baru baruan nya. Better po lampin, pajama, shorts and sando, shirt and onesies at overall na pantulog pati socks din . Kasi yung mittens saglit lang magamit talaga. 2nd baby ko na ngayon kaya medyo lesson learned ko na wag damihan bili. Nag adjust na din ako ng size.

Đọc thêm