First Time Mom

Btw, 8 months preggy ako at pansamantalang nakikitira sa bahay ng byenan ko. Obligado bang pati yung byenan kong lalaki pagsilbihan ko at ipaglaba ko samantalang sa damit palang naming mag-asawa nahihirapan na ako. Bukod kasi sa walang washing machine, sa poso pa nanggagaling yung tubig na ginagamit ko. Hindi ko rin naman makatulong yung asawa ko sa pag-iigib dahil abala sya sa ginagawang bahay namin. Actually may kinakasama naman yung byenan kong lalaki pero ang gusto nung babae pagsilbihan ko at ipaglaba ko pa yung lalaki pag wala sya

100 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yung kinakasama ang maglaba. Buntis ka po at hindi ka nila katulong. Okey na yong konting gawaing bahay

hindi mo po responsibilidad yun mamsh. dapat po pahinga ka lang po mahirap po kumilos kilos ng buntis

Thành viên VIP

Wag mo labahan. Ano silbi ng kamay at paa non? Kalalake pa na tao. 8 months ka dapat bed rest ka nga.

Thành viên VIP

Grabe naman po byenan mo sis! Di tama yan. Kung ako po sayo uuwi nalang ako sa mga magulang ko. 😑

Thành viên VIP

No. Makisama lang and rumespeto sa byenan is enough na. Asawa tayo ng anak nila, hindi katulong.

Uwi kana sa inyo. Ginawa ka namang katulong dyan sa byenan mo. Di nakakabuti sa bata yan.

8 months na po kayo, baka po bigla kayong manganak diyan sa sobrang tagtag sa paglalaba.

D mo Naman kylangan pagsilbihan x eh..at saka buntis ka.dapat nga d kana naglalaba eh .

Di mo po obligasyon pagsilbihan sila sis sapat na makisama ka at may panggalang sknla..

Kagigil yang byenan mo momsh ha. Hindi mo na trabaho yan. Kapal naman ng mukha nila.