Ay naku, kapag may blood discharge na may kasamang pananakit ng puson kahit hindi tuloy-tuloy, please don't delay, pumunta na sa OB mo agad or sa pinakamalapit na ER para ma-check ka, kasi importante iyon lalo na sa kabuwanan mo. Ako at ilang mum friends ko, palagi kaming nagsasabi sa isa't isa na huwag mag-antay pa pagdating sa ganitong signs, hindi sulit ang "baka okay lang" sa sitwasyong ganyan. Ingat ka, and praying for you and your baby!