LONG WAIT IS OVERRRR!!!

Birth Story: EDD LMP: Feb 29 EDD UTZ: March 4 EDD CAS: March 7 DOB: March 6, 2020 CS Bikini Cut 1st Born Baby Boy 2.9kgs Finally makakapag share narin ako ng birth story ko dito. Sa dinadami rami ng inintake at insert ko na eveprim, Ilang doze ng injection ng buscopan, ilang squat, ilang km walk per day, ilang pinya at papaya ang kinain ko, ending ko CS parin. I only found out I was pregnant at around 22 weeks nung una ang sabi lang sakin nung nagpa check up ako nung September 2019 eh may UTI ako, wala rin ako cravings and namayat ako during the first 2 trimesters. Nagkaroon ng spotting dahil sa UTI ko and diagnosed with oligohydrominios. Nag bed rest for 1 month dahil mababa daw si baby. Ending sobrang kapit ni baby tagal niya lumabas. Lumipat ako ng ob at around 35 weeks gawa ng kakulangan ng budget since late na kami nakapag ipon dahil late ko na nalaman na buntis ako. Nung kabuwanan ko na, antagal kong nag aantay. Lahat ginawa ko na. Bumalik ako ulit sa una kong OB at 40 weeks since wala kami progress nung OB na magpapaanak dapat sakin and nagkaroon ng takot sa sarili ko kasi nabalitaan ko na may pinaanak siya tas namatay yung baby gawa na walang NICU sa hospital kung san dapat ako manganganak. March 1, 2, 3, 4, 5 yan ang araw na nag inject sakin ng buscopan but no progress. Sabi pa nga sakin ng mga nurse kada tuturukan ako eh baka kinagabihan manganak na ako. March 5, nagkaroon ako ng mucus plug discharge and agad ko ininform OB ko and sabi niya pumunta na ako agad sa ospital. Nagkakaroon narin ako ng contractions but hindi consistent. Pina admit na ako to closely monitor my condition gawa na rin na lampas 40 weeks na si lo and baka mag poop sa loob ng tummy. Every after 3-4 hours may turok ng buscopan pampalambot ng cervix Still at 1 cm March 6 morning may mga mas matititnding contractions but only ended up at 2 cm. Kayang kaya i normal daw si baby no cord coil and di naman masikip sipitsipitan. March 6, nilagyMga 1 pm pinutok ni ob panubigan ko and that's where it got intense. Pagkaputok na pagkaputok niya ng BOW ko nag chill ako and after nun nakaramdam na ako ng sakit. Di na daw ako pwede tumayo. Active labor. Mga ilang hrs din ako na ganun and nagka close interval contractions na ako pero di ko kinaya yung sakit. Kada darating yung next wave ng pain grabeng pisil sa kamay ni hubby and deep breathing ginagawa ko. Until I got permission na sa parents ko na mag pa cs nalang dahil di talaga kaya. I'm shaking non stop kahit na normal bp and temperature. Mga 5-10 mins ready na OR. I'm still having chills bago operahan and the next thing that woke me up is the cry of my baby. After din nun, nakatulog ako. Di ko siya nahawakan agad dahil dinala siya sa NICU for monitoring pero nung after ako linisan hinanap ko agad baby ko. Nilapit naman nila but inalis ulit and sabi after 4 hours tsaka i room in. After ng operation nag chichill padin ako nakipag chismisan ng konti at tinignan pics ni lo kung sino kamukha right after non nakatulog nanaman ako. Sa dami rami ng nabasa ko walang nagwork. Pero at least nakaraos na and still recovering. Normal naman si lo. To God be the glory! Meet Zio Miguel!

LONG WAIT IS OVERRRR!!!
2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Yes congratulations

Thành viên VIP

Congrats po!💓