Breastfeed

Hi bf mommies, ask lang po ako ng advice and help. Bale ganito kasi, 25days old si lo, ebf kami. Nung umpisa sobrang sakit nya mag latch to the point na nagsusugat na sya until masanay, i mean masakit padin pero okay na. Until this past few days wala na ako nararamdaman. Not sure kung baka nakuha nya lang yung technique ng tamang paglatch? Pag naglalatch sya feeling ko nilalaro lang ng dila nya yung boobies ko then kahit nasa bibig na nya yung nips ko, niluluwa tas parang naghahanap padin sya. Pano ko po kaya macoconfirm kung may nadedede sya bukod sa output po sya (poop&pee)

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lang po sumakit at magsugat ang nipple sa mga 1st weeks ng pagpapadede. Basta ipalatch mo lang kasi si baby din makakapagpagaling nyan

5y trước

Basta umiihi at tumatae si baby ibig sabihin nakakapaglatch sya. If worried ka kasi di mo mafeel na nasisipsip ni baby, try mo palit ng pwesto sa pagpapalatch mommy. Magrereklamo naman si baby pag gutom. 😊

Thành viên VIP

Mararamdaman mo naman yan once na nanigas or sumakit yung breast mo mumsh. Meaning to say, puno ng milk yung breast mo nun.

5y trước

Actually sis meron pa talagang milk sa boobies ko. Kasi sumusirit sya pag pinipisil ko. Ang concern ko po is pano ko malalaman na nakukuha ni lo yun. Kasi pag naglalatch sya, wala na ako nararamdaman unlike dati na ramdam ko na sinisipsip nya talaga.