Hindi dapat maligo ng tuesday at Friday ang baby

bawal po ba talaga maligo ang baby ng martes at byernes? 5 months and 2weeks na si baby, ganun na din katagal akong sumusunod sa gantong sabi ng byenan ko. Gusto kong paliguan baby ko ngayong martes, napakainit ng panahon. di ko lang maintindihan kung ano bang kinalaman ng araw sa paliligo ng baby.

41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

hahahaha mga tao dito samin daming bawal, yung pagputol or paggupit ng buhok na bumuo gawa ng tela bawal daw gupitin kesyo d pa daw 1yr old. Bawal daw paliguan pag Tuesday and Friday kesyo daw magiging sakitin anak ko haha pati yung paggupit ng kuko bawal daw kesyo friday hahaha Jusmii ni isa jan wala akong pinakinggan, mas gusto kong nakikitang malinis anak ko, presko at mabango hehe. Dami silang kuda na di ko sinusunod mga bawal pero sorry sila MAS MAY TIWALA AKO KAY LORD. Asawa ko nai impluwensyahan sa mga ganyan ganyan, pero aawayin na aawayin or ipapaliwanag ko talaga sakaniya kung bakit hindi ako naniniwala jan. Bawal din daw picturan ng tulog, snob parin ako hehe.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Not true po. Sinabihan din ako ng mga tita ko nyan pero inignore ko lang, wala namang connection. Ang init ng panahon ngayon, araw araw ko pinapaliguan baby ko. Naglalapot lapot sila, mas hindi siguro maganda sa pakiramdam nila yun at lalong hindi pwede mag overheat ang mga babies. Hindi rin sila makkatulog ng maayos, kawawa naman. Your baby, your rules. 😊

Đọc thêm
2y trước

true po yan. 2 yrs old ko, twice maligo. tapos ung 4 mo ko, araw araw naliligo tapos punas sa gabi lalo ngayon summer.

Thành viên VIP

I don't personally believe sa mga gantong pamahiin. Importante na mapaliguan mo si baby lalo ngayon sobrang init. Ako twice ko pinapaliguan baby ko, sa morning and evening simula nitong 3rd week of March. pwedeng magkabungang araw si baby or any skin disease dahil na din sa sobrang init tapos di pa siya malilinisan/mapapaliguan.

Đọc thêm

nako mommy baby ko ngayon pinapaliguan ko araw araw di kaya ng ktwan nila na nd paliguan kc sobrang init, dyan din nagsstart na nagkakarashes ang baby. kaya ang baby ko never nagkarashes. prescribed din ng doctor noon bgo kami umuwi iniorient ako na araw araw ang ligo ng baby.

di po bawal , nako napaka init pa naman ngayon. almost 6 months na baby ko, nung umuwi ako sa magulang ko e hindi naman palagi naka aircon 3x a day pa maligo araw araw si baby kasi mainit singaw ng katawan, nung sanggol pa anak ko sinasabihan din ako nyan

@ 2 months hindi ko pinaplaiguan si baby martes-byernes bcz of pamahiin na hindi dw sakitin si baby .Kaso martes d siya naliho Nagkasinat siya dahil sa init ng panahon kaya after noon everyday kona pinapaliguan 6 months na baby ko hindi na siya nagkakalagnat now.

ako na pinapaliguan si lo everyday depende sa panahon.. kahit sinasabihan ako ng mga kapitbahay kong mas matatanda sakin..I just ignored it..mas komportable ang feeling ni lo pag naliliguan lalo na sa init ng panahon ngaun.. ☺️☺️

Thành viên VIP

parehas tayo mommy na may ganyan paniniwala sa pamilya po pero para sa akin mommy hindi po true mas better po na maligo si baby everyday lalo na pag nag summer na po para lagi silang fresh at hindi tubuan ng bungang araw.

Ang Tuesday at Friday raw po kasi ay araw kung saan naglalabasan ang mga engkanto. Pag pinaliguan daw po mas humihina ang proteksyon nila against dun which is hindi rin naman ako naniniwala.. Summer pa naman ngayon at napakainit.

sa sobrang init ng panahon dapat nga poh lagi naliligo c baby lalo na kung pawisin .pamanhiin lang poh yan ng matatanda lalo na kung nsa probinsya kapa nakatira bawal daw poh paliguan kapag martes pero Hindi q nmn sinusunod hehe