Totoo po ba?
Bawal daw po ba malamig sa buntis, hilig ko po kase sa halo-halo, saging con yelo at ice cream?
Yes bawal kung mataas ang sugar mo at lalo na pagpasok ng 3rd tri. Bawal na yan kasi mabilis na lumaki ang baby. Yung sinasabi ng matatanda is malamig na tubig ang bawal. Pero based sa ob ko, malamig na tubig ay hindi bawal at di nakakalaki ng baby. Pwede naman kumain nyan pero in moderation at control if nasa 1st tri & 2nd tri ka po.
Đọc thêmYung malamig po walang problema. ang problema po yung halohalo, saging con yelo at ice cream... lahat ng yan mataas sa sugar Mi. better iwasan or minsanang kain lang kesa po magsisi po kayo dahil tumaas ang sugar and worst mapahamak pa si baby mo. GDM if not controlled or treated po may cause premature labor, and stillbirth (pag malala na), too big babies..
Đọc thêmhindi naman po bawal ang yelo, kaya po bawal yun halo halo saging con yelo at ice cream ay dahil matatamis po sila, mabilis po tumaas ang sugar ng buntis, pero if yelo lang or malamig na tubig lang wala naman prob dun 😊
hindi naman po , hehe ako po kase yelo pinag lihan ko sa panganay ko every 5am bumibili ako ng 2yelo agad at pinapatadtad ko sa asawa ko nilalagay sa pitsel namin at yun din nilalagay ko sa milk ko
Malamig pwede like tubig but mga ice cream matatamis dapat minsan lang lalo na nasa 1st and 2nd baka lalaki yung baby mo wala kapa sa 3rd. Sa 3rd naman minsan minsan mo nalang baka mahirapan ka manganak
Hindi naman po bawal ang malamig momsh pero hinay-hinay lang po sa matatamis. Pwede po hanap ng alternatives na hindi gaanong matamis tulad ng frozen na fruits o yogurt. 😊
Bawal po ang matamis. Pwede po ang malamig, actually kapag maselan ka at suka ka ng suka. Magpapak lang ng yelo para gumaan ang pakiramdam.
Hindi bawal ang malamig sa buntis. Ang bawal e sobrang matatamis.. Matatamis kasi yan nakahiligan mo kaya hinayhinay lang.
OB mismo nagsabi na maganda nga malamig para nagalaw si baby. Too much Matamis at maalat ang bawal. Balance lng dapat.
hindi naman po, pero bawas bawas na sa matamis.. kayo rin kasi mahihirapan ni baby kapag tumaas sugar level mo